Sheena
First day ng Sophomore life namin. Magulo. Maingay. Maraming pakalat kalat sa corridor. Mga friendships na muling nagkita, mga estudyanteng nagpapalaboy laboy sa school grounds para magfishing ng maganda at gwapo. O kaya naman naghahanap ng kani-kanilang crush. Putspa! Nasaan na ba yung crush at bestfriend ko?
Nakaupo ako dito sa bench ng covered court. Lumilinga linga para hanapin sina Toper at Audrey. Bagong school year, bagong mga classmates, bagong mga teachers. Pagkatapos nito, isang taon nalang gagraduate na kami.
"Beshieeee!" Sigaw ni Audrey habang patakbong lumalapit sakin. Si Toper naman sinusundan lang siya ng lakad. Ang pogi pogi talaga ni Toper!
"Beshie, ang dami kong ikekwento sayo! Sana kasi sumama nalang kayo eh!" Sabi ko kay Audrey habang yakap yakap ko siya.
"Ako din besh, madaming ikekwento! Dapat ikaw ang sumama samin!" Natatawang sagot ni Audrey habang humihiwalay sa pagkakayakap sakin.
"Top, hinahanap ka pala ni Ma'am Jade kanina. Punta ka daw sa office niya mamayang lunch break." Class president kasi namin si Toper last year. Kaya laging siya yung napapatawag. Ako naman yung secretary niya.
Ngumiti lang si Top sakin at tumango. Ngiti palang, ulam na! Crush na crush ko talaga si Toper. Promise. Simula nung maging magkaklase kaming tatlo nila Audrey nung first year. Magkagrupo kasi kami sa Science Investigatory Project na kailangan namin iwork till fourth year. Yun yung magiging defense namin bago kami pagraduatin. Ang dami kasing arte ng Science Department eh.
Transferee ako nun. Nakatabi ko si Audrey sa seat since wala ng ibang available na upuan. Siya yung naging tour guide ko dahil kinder palang dito na siya nag aaral. Baka mabigyan na yan sa graduation ng loyalty award. Si Toper naman nagtransfer nung elementary siya.
Simula nun, silang dalawa na ang lagi kong kasama dahil childhood bestfriends sila at di mapaghiwalay. Akala ko nga noon magboyfriend sila dahil sa sobrang closeness nila.
"Sheena, samahan mo naman ako kay Ma'am Jade." Sabi ni Toper sakin.
"Ay! Teka, may kailangan pala akong ayusing articles para sa school paper! Punta muna kong Journ Room ah." Sabi ni Audrey na natatarantang umalis.
Sinamahan ko naman si Toper kahit labag sa loob ko. Oo, labag sa loob ko dahil baka himatayin ako sa kilig sa school grounds habang naglalakad kasama siya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Feeling ko maghahyperventilate na ko. Nagtatama yung mga siko at braso namin sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Jusko! Kumbaga sa fangirl, ako yung die hard fan kung artista si Toper. Ang gwapo kasi talaga niya! Ang bait pa, tahimik pero pag nagsalita sobrang nakakawow dahil ang talino niya. Ang lakas pa ng dating!
Mula noon nga hanggang ngayon siya lang yung crush ko, kahit na medyo marami-raming nanliligaw sakin... siya pa rin ang gusto ko. Pag ako niligawan ni Top, konting pakipot lang sasagutin ko yan eh!
Kumatok na kami sa faculty kung saan nagiistay si Ma'am Jade. Siya yung teacher namin sa Biology.
BINABASA MO ANG
War in Love (Revised) FKA The Cat-Dog Love Affair
HumorA story of love... in between fights. What will happen if a war freak girl came across with an air-headed guy who loves hitting nerves? Will they ever see each other as someone who has the potential to be a lifetime partner? Or just plain frenemy wh...