Alam niyo ba yung feeling na mainlove ka sa bestfriend mo? Actually, 11 years na kaming mag bestfriend from Grade 1 hanggang ngayong 1st year college ako. Haaaay! Gusto ko sabihin sakanya na gusto ko siya, pero PAANO?! ayokong masira pagkakaibigan namin dahil sa walanjo na feelings to.
"Hoy Cheska! Anong ginagawa mo dito?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap, tinawagan ko na si tita mina kung andun ka na sa bahay niyo yun naman pala andito ka lang! Delikado dito! Jusko naman Cheska oh!" sabi ng Bestfriend kong si Bret.
Yan ang bestfriend kong si Bret Magundayao. Mawala lang ako saglit, nagaalala na. Kaya ako nainlove dyan eh matalino, responsable, laging top sa klase, maginoo, gwapo at higit sa lahat may abs!!!!!! Absolutely nothing hahahaha!
"Cheska!!" Ay hehehe. Kinakausap niya pala ako.
"Oa mo naman magreact dude, saglit lang ako nawala."
"hindi ko kayang mabuhay na wala ka" umakting siya na malungkot siya. Di ko alam kung kikiligin ako eh.
"ang sabihin mo mahal mo ako kaya ayaw mong mawala ako sa buhay mo!"
Natahimik na si Bret sa sinabi ko. May nasabi kaya akong mali?
"tara na nga!" Aya ni bret sa akin.
Sumakay kami sa sasakyan niya..
Napansin kong hindi to ang daan papunta sa bahay namin
"Hoy Bret!! Saan mo ako dadalhin?! Rape! Kidnapping yang ginagawa mo ah! Bret!!!!!" Sigaw ko
"Hoy Cheska Cruz. Hindi kita pagsasamantalahan! Hindi kita type!" *Hindi kita type* paulit ulit na nag si'sink sa utak ko. Grabe ang sakit! Kailangan harap harapan nya sabihin? Grabe.
"Naninigurado lang! Saan ba tayo pupunta?"
"Andito na tayo. Baba na." dito kami bumaba sa napaka bonggang ewan ko kung ano to mansion siguro to ni Elsa ng frozen eh *laughs* ang astig!
nung pagkababa ko, nilagyan niya ako ng blind fold.
"Bret! Anong trip ba to?"
"Ingay mo talaga. Maglakad ka nalang kasi."
"Sungit naman"
Tumigil na kami sa paglalakad.. Kinuha na ni Bret ang blindfold sa mata ko and.....
"HAPPY BIRTHDAYYYY CHESKA!!"
Sila lolo, lola from both sides except kay lola from my daddy's side, namatay siya last year lang kaya di kami nakapag celebrate ng bday ko. Grabe hindi ko inexpect to, lahat ng kabarkada ko from highschool hanggang ngayon 1st year college ako. Napaiyak nalang ako sa tuwa.
"Stop crying. It hurts me to see you crying." Bret
"Thankyou so much Bret. I even forgot that today is my birthday. Im surprised!!"
"Ahh. Glad that you liked our surprise for you. I love you Ches!" Bret. Naramdaman kong biglang uminit mukha ko. OMGG. Pero alam ko naman bestfriend lang turing niya saken.
"I love you too Bret! Ay teka. Lalapitan ko muna sila ha?"
"Take your time! Enjoy!!"
Lumapit na ako kay Mommy at Daddy. Niyakap ko sila ng mahigpit.
"Mommy! Daddy! Sobrang thankyou po talaga. Na surprise talaga ako!"
"Asus. Wala yun anak. Ikaw pa ba eh mahal ka namin ng daddy mo. Oh pumunta ka na stage. Give your speech hahaha" Mommy. Aww ang sweet :">
"Naku itong unika iha ko! Wala yun, basta't mag pa kabait ka lang. Sapat na sakin yun" Daddy. Juskooo!! Hahaha
Ang swerte ko dahil may mga magulang akong sobrang mahal na mahal ako. Magtatapos talaga ako para matapos ko ang pag aaral ko nang mabayaran ko ang pag sa'sakripisyo na tiniis ng aking mga magulang. The best day ever toooo!!!
-------
Sana po nag enjoy po kayo sa unang pagbabasa niyo ng aking story. :)That's all for now guys, medyo blanko na isip ko. Wala na akong maisip eh. :)
ELLA CRUZ as Cheska Cruz
FRANCIS MAGUNDAYAO as Bret MagundayaoFollow me on twitter:
@iamcrystaleneg