Carmella Pov
Nakarating kami ng Principal office ng walang umiimik at nung papasok na ako ay umalis naman na ang naghatid sa akin kaya naman umupo na ako sa upuan sa tapat ng principal at hinintay ang kanyang sasabihin pero as usual nakangite lang siya.... Hindi ba nangangalay labi niya kakangite???
"So Carmella, you know the rules inside the school that wala dapat gagawa ng gulo lalo na pag may event diba??" Tanong sa akin ng Principal pero Dean nalang itawag para sosyal at mayamanin din naman ang school na ito so Dean nalang
"I know that pero as far as I know na hindi pa ako nakakagawa o nakakapagumpisa ng gulo" Kalmado kong sagot sabay ngite but the Dean just sigh then look me in the-- AYYY CHAROT ENGLISH AGAIN basta halata sa dean na sumuko na dahil sa sinabi ko
"I see, gusto ko lang sabihin sayo na wag mo ng gawin ang nangyari kanina and iwasan mo muna sila" Huling sabi ng Dean bago niya ako palabasin kaya naman lumabas na ako at bumalik na sa loob ng booth namin at dahil nga puro tanong sila ay sinagot ko na at kuwinento ang nangyari kanina, syempre yung iba napatawa habang yung iba naman sa kanila ay may seryosong expression sa mukha
"Hahahaha clown ng school!!" Natatawang sigaw ni Liam kaya naman mabilis na tinakpan ni Kris ang bibig niya kaya naman napatawa nalang din ako
"Dapat hindi mo ginawa yon" Napalingon naman ako kay Ace at mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang ginawa ko pero wala na siyang magagawa atsaka sino ba siya?? Si Kuya??
"So sinasabi mong mag paapi ako sa harap ng iba?? Ganon ba??" Naaasar kong tanong, kahit kailan talaga kinokontra niya ginagawa ko kaya ayoko sa kapal kilay na toh eh..... Ano nanaman kaya problema nito??
"Bahala ka na nga diyan, wala na akong pake sayo kapag napahamak ka nanaman dahil sa kagagawan mo" May pagkairita sa boses niyang sabi bago siya lumabas at iniwan kaming nakatingin sa pintuan na pinaglabasan niya
"Kaasar tangina...... Anong problema non??" Tanong ko sa kanila dahil kanina naman hindi siya bad trip ng iniwan ko sila eh
"Baka naman nag aalala lang sayo" Sagot naman ni Liam habang kumakain kasama si Jake..... Teka saan nila nakuha yung pagkain??
"Nag aalala?? Sa akin?? Well kung possible yang sinasabi mo edi hindi ko kailangan ang pag aalala niya dahil I know na wala siyang pake" Natatawang sabi ko bago uminom ng tubig
"Baka lang naman daw kase" Natatawang sabi naman ni Cayden kaya naman napangite nalang ako, tangina pati ba naman siya??
"Bahala na nga kayo diyan" Umalis na ako at iniwan sila pero doon lang naman ako sa room at nang makarating ako ay mukha agad ni Ace ang bumungad sa akin
"Get out" Malamig na sabi sa akin ni Ace pero wala naman akong pake kaya naman punaaok na ako at dumiretso sa fort ko at nag cellphone pero hindi nagtagal ay may cellphone na nag ring kaya naman napasilip ako sa maliit na butas
"Yes..... just wait us there" Narinig kong tugon ni Ace sa kabilang linya pero napaatras ako ng bigla siyang napalingon sa pwesto kung saan ako naka silip
"Oi babae, sumama ka sa akin dali" Tawag naman sa akin ni Ace na ipinagtaka ko, bakit kailangan kasama ako?? Importante ba na kasama ako?? Atsaka hindi ko naman siya kuya
"Tawag ka ni Sevy" Dagdag niya kaya naman napaalis ako sa fort, mind reader ba to?
"Hindi ako mind reader" Plain na sagot ni Ace sa tanong na nasa isipan ko kaya naman napatango nalang ako at lumapit sa kanya pero syempre may ilang feet ang layo namin sa isa't isa at ng nakita niya namang wala akong balak na dumikit sa kanya ay naglakad na siya kaya naman sinundan ko. Ang awkward nga eh kasi walang nagsasalita sa amin kahit na nasa parking lot kami at naka pasok na ako sa loob ng kotse ay walang nangahas na putulin ang katahimikan kaya naman nakatingin nalang amo sa labas ng bintana at pinapanood ang mga dumadaan na sasakyan
"Hindi ka ba magtatanong kung bakit ka biglang pinahanap ng kuya mo??" Tanong ni Ace, sa wakas nagsalita na din siya pero hindi ako lumingon sa kanya para sumagot
"Sasabihin naman ni Kuya kung bakit niya ako pinatawag eh" Sagot ko sa tanong niya bago huminto ang sasakyan kaya naman umalis na ako sa kotse pero agad naman akong nakapasok ng malamang na traffic lang pala..... PUNYETANG TRAFFIC TOH!!
"Tangina Ella lutang ka ba ngayon??" Tanong sa akin ni Ace na mukhang hindi inaasahan ang ginawa ko at nung tingnan ko ay nagpipigil ng tawa ang loko
"Hindi mo naman kasi sinabing wala pa tayo" Pag sisisi ko sa kanya kahit na alam kong ako ang may kasalanan dahil sa katangahan ko
"Paano ko naman masasabi?? HAHAHAHAHA Bumaba ka naman kasi agad" Natatawang sabi naman ni Ace kaya naman tinarayan ko nalang siya pero ramdam ko ang pag init ng pisnge ko dahil sa kahihiyan o sa tawa niya... Tama sa kahihiyan toh...
BINABASA MO ANG
The only girl in Section C
Teen FictionA girl name CARMELLA, sounds innocent right? Is she look Innocent too? YES SHE IS but who know what she can do..... Isang babae na hindi tinanggap ng iba't ibang klaseng paaralan. Pero dahil sa connection na meron siya ay nakapasok sa isang magaran...