P R O L O G U E

88 1 0
                                    


Kung nabiktima ka ng forever, wag mo'ng sisihin yung tao'ng nanloko sayo, yung ipinalit nya sayo, yung kaibigan mong mukhang Aso, at lalong-lalo na yung tambay sa kanto. Wala naman sila'ng kinalaman diba ? Ang dapat mo'ng sisihin eh yung sarili mo lang at wala ng iba dahil ikaw ang nagpakatanga at naniwala sa Forever nya. Kung iisipin mong mabuti, pwede ka naman'g hindi masaktan eh lahat kasi ng tao, may choices. Nasasayo na yan kung anong pipiliin mo. Kung pipiliin mo ba'ng masaktan or you'll just go with the flow. Yung tipo'ng pag niloko ka nya, Move on agad ! Yung hindi kana iiyak ng ilang linggo, mag i-stalk sa facebook nya ng ilang buwan, at mamahalin pa sya ng isang taon ! Parang tanga lang diba ?!! Samantalang pwede naman'g pag nakipag break sya sayo, sumagot ka lang ng "Ay, inunahan mo pa talaga ako ha" at kalimutan mo ng naging kayo. Wag kang magpakatanga at maniwala sa Forever nya dahil darating din yung tao'ng para sayo. Kada segundo, may tao'ng ipinapanganak sa iba't-iba'ng bahagi ng mundo kaya wag ka'ng matakot dahil may tao'ng nakatadhana sayo. At kung dumating man yung oras na pakiramdam mo eh wala kana talagang pag-asa, mag madre kana lang. Atleast kahit sa maikli'ng buhay na ipinahiram sayo ng Diyos at pagbibigay sayo ng biyaya sa araw-araw, napagsilbihan mo manlang sya kahit sandali. Lahat naman ng tao namamatay eh. Kahit yung pinakamatandang tao sa buong Universe namatay na din kaya wag na wag ka'ng maniniwala kung may tao'ng mangangako ng Forever sayo dahil sa huli, ikaw lang ang masasaktan at pagtatawanan dahil naniwala at nagpakatanga ka. Wala nga kasi'ng Forever. Lifetime lang.

Walang Forever. Lifetime lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon