Walang Forever. Lifetime lang.
KHATEthereal's Note :
- Hi guise ! Thanks for Adding this story to your reading list ^0^ This story is dedicated to : @ChocolatesLover23, @ghighietan, & @MidnightScarletSkye si @ghighietan yung gumawa ng book cover at yung kay @ChocolatesLover23 naman, naka save pa rin sa Phone ko dahil gagamitin ko yun next week ^__________^Y at si @MidnightScarletSkye naman ang gumawa nung book cover para sa Next story ko ^^, Actually this is only a short story. A very short tho!XD By the way, Please do read my On-going story entitled ; "The Perfectionist's Unperfect Girl" Danke! ♥♥- -
"Good morning Jelly ace ^___________^ "
"Pssh. Layuan mo nga ako !"
"Hindi kita lalayuan kasi sasamahan kita habang-buhay"
Pssh. Nandito nanaman yung lalaki'ng retarded na to ! Naiinis ako sakanya dahil feeling ko, pinagtitripan nya lang ako. Varsity player sya dito sa school kaya halos lahat ng babae, nagpapatayan para lang mapansin sya. Pero ibahin nyo ako dahil wala akong pakielam sa kanya at ayun ata ang dahilan kung bakit nagkakaganyan sya. Siguro nacha-challenge sya dahil wala akong pake sakanya. Ni-hindi ko nga sya kilala eh tsk. Tapos kung ipagsigawan nya yung pagtawag saakin ng 'Jelly Ace ko' wagas. Pssh. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki eh. Pakikiligin, liligawan at Paasahin ka pero sa huli, iiwanan ka rin.
Ako nga pala si Angeline Aechelle De Castro. Angel for short and Gel to make it shorter, 16 years old at Junior high dito sa Retteselle Academy. At yung lalaki kanina, wag nyong intindihin yun dahil Maganda ako. Bwahahaha !! Ano'ng connect ? Ah basta, isipin nyo nalang !
"Hi Jelly Ace ko"
Isha said sarcastically pagpasok na pagpasok ko sa room namin. She's krisha Dy. My best-bestfriend since birth at gusto'ng-gusto nya yung lalaki'ng retarded na tumatawag sakin ng 'Jelly Ace ko' tch. Lagi syang nagku kwento sakin ng kung anu-ano tungkol sa lalaki'ng yon at naiinis ako dahil paulit-ulit nalang sya.
*BOGGGSSSSSHHHHHH*
"Oh my Gossh ! My shoes !!"
Napatingin ako doon sa maarte'ng babae na biglang sumigaw. Duh, wala akong pake sakanya noh. Tinignan ko lang sya dahil naiirita ako sa napakatinis na boses nya ! At nang lumingon ako, nakita ko na nagkalat yung mga gamit ko sa sahig. Nandito kasi ako sa unahan dahil magku-kwentuhan muna kami ni Isha since wala pa namang teacher. Tinitignan ko lang yung maldita na alam kong sinadya ang paghulog sa mga gamit ko at nyemas, hindi nya manlang pinulot yung mga gamit ko sa sahig at dumiretso na sya sa upuan sa pinakalikod. Kanina nagtitimpi pa ako nung binunggo nya ako. Pero Wala eh. Umabot na sa boiling point yung dugo ko dahil ikinalat nya yung mga gamit ko sa sahig at ang mga walang kwenta kong kaklase, hindi manlang nagtangkang pulutin yon dahil takot sila sa bruha na yun !
"Go best ! Wag kang magpalamang ^___________^Y"
Langya talaga tong si Isha oh. Ipinag cheer pa ako. Alam nya kasi na gagawa ako ng eksena !
*SPLAAAASSSSSSHHHHH*
"Oh my Gossh ! My hands !!"Ginaya ko yung kaartehan ng boses nya kanina nung ilaglag nya lahat ng gamit ko sa sahig. Alam ko namang sinadya nya yun dahil alam kong inis sya sakin. Kaya inartehan ko din yung boses ko pagkatapos ko'ng ibuhos sakanya yung Apple juice ni Isha sakanya.
'Hala. Tignan mo si Kyla oh !'
'Serves her right'
'Hahaha. Go Angel'Narinig kong nagbubulungan yung mga classmates ko. Mga letseng to, kanina wala manlang nakaisip pumulot ng gamit ko tapos ngayon ipagchi-cheer ako ?!!
BINABASA MO ANG
Walang Forever. Lifetime lang.
Historia CortaThis book is all about Forever. Oh, Scratch that "Forever" word and make it "Lifetime". Forever doesn't exist right ? But Lifetime does.