Prologue

25 3 3
                                    

*Trigger Warnings*

'Lord, help me!'

Iyon lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko nung mga panahong kailangan na kailangan ko siya pero hindi ko na alam kung nasan siya.

"Mahiya ka naman! Ano ka higad? Ano nga ulit yung makapit? Ah! Linta! Ano ka linta ha? At hindi ka mabubuhay ng hindi nakadikit sa boyfriend ko?!" Bulyaw sakin ng babae sa kabilang linya.

Gusto kong umiyak dahil hindi ako nabibigyan ng pagkakataon upang magpaliwanag, gustong-gusto kong aminin lahat sakanya kaso yung mga binitawan kong pangako ang inaalala ko.

'Nahusgahan na ako eh pero bakit Ikaw pa din yung mas iniisip ko?'

Mapait akong napangiti ng mapagtanto ko kung gaano ako kahina.

'Hindi ko deserve to!'

Iyon na lamang ang iniisip ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya ng pumatak.
Gusto kong magalit sa babae subalit mas pinili ko na lamang siyang intindihin.

"Ayos ka na ba? Okay ka na?" Mahinahong tanong ko sa kabilang linya at ng sumagot siya ng oo ay dali-dali kong pinatay ang tawag upang abutin ang tubig na kanina ko pa sinusubukang kunin.

Panginginig, pag-iyak, pag-sikip ng dibdib ang hirap huminga pero bakit sa kabilang ng mga nangyare ikaw pa rin? Bakit ikaw pa rin gayong alam ko naman na malabong ako.

"Ate, ayos ka lang ba?" tanong ni Syff, tanging pagtango lang ang ginawa ko at dahil sa sobrang panginginig kinailangan ko na namang pwersahin ang sarili ko para tumayo.

Tatlong linggo, nakakatawang sa tatlong linggo babagsak sakin lahat ng problemang hindi ko kailanman inakala.

'Gusto kong magalit sayo kasi iniwan mo ako, gusto kong magsumbong sayo dahil sa ginawa ni Ate na panghuhusga sa akin,'

Subalit sa kabila ng mga masasakit na salitang iyon, nakakatawang pinatawad ko sila agad.

Ganon nga ata talaga yung sinasabi nilang pagmamahal, hindi inaasahan pero matatagpuan mo nalamang ang iyong sariling lumalaban kahit na walang kasiguraduhan.

At dahil nga hindi ko na din maipagkaila, hindi ko na kayang magpanggap, nagdesisyon akong panindigan na lamang ito.
Subalit sa laro ng tadhana hindi ko naman inaakala na sobrang sakit pala, Kasi...

'kasi kung kailan mahal na kita tsaka ka naman nawala.'

~~~~~~~~~~~~~~

Soooo! I'm back.
Thank you for reading OLN, support me until this story ends...

Thank you so much Starssss! Love you <3

~Luna

One Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon