Daven's POV
Wala na talaga.
Dapat ko na lang talaga sigurong tanggapin na hanggang doon na lang talaga kami at wala na talaga akong magagawa lalo na't ayaw niya na talaga.
"F*ck it!" Napahilamos ako sa aking mukha kasabay ng pagsandal ko sa pinto ng aking apartment.
Nang hihina akong napadalusos hanggang sa bumagsak na lang ako sa sahig na para bang isa akong papel.
Gusto kong sumigaw para ilabas ang kung ano mang mabigat sa aking dibdib, pero alam ko naman na kahit gawin ko 'yon ay hindi pa rin 'yon magiging sapat upang maibsan ang bigat na nararamdaman ng aking puso.
Mas lalo pa ngang bumigat ang aking puso dahil may nakita akong lalaki na mukhang kakilala niya.
Alam ko namang hindi 'yon parte ng pamilya niya dahil kilala ko ang lahat ng mga kamag-anak niya, hindi ko nga lang sure kung boyfriend niya ba 'yon o ano.
"Get lost!"
"Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo!"
"She doesn't want you here anymore, so please leave."
Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ako ng matinding kirot sa aking puso.
Pilit ko namang itinayo ang aking sarili at naupo sa aking kama.
Binuksan ko ang drawer ng aking bedside table at kinuha ang isang maliit na kahon mula rito.
"Sayang," mapait kong bulong sa aking sarili kasabay ng pagbukas ko sa maliit na kahon na kasalukuyan kong hawak.
Sa pagbukas ko nito ay bumungad sa akin ang isang makinang na singsing. Ito sana ang singsing na ibihigay ko kay Ayana noong gabing magpro-propose ako sa kaniya, kaso wala eh, nagulo ang lahat dahil lang sa isang misunderstanding.
"It's been five years." Sunod-sunod na nagsibagsakan ang aking mga luha kasabay ng pagkuha ko sa singsing mula sa lalagyan nito. "It's been five years, Ayana, at alam kong dapat ko na talagang tanggapin na wala na talaga tayo, na game over na talaga tayo," I said as I wiped my tears.
I need t move on, alam ko 'yon, pero hindi ko talaga magawa eh, ang hirap hirap kasing magmove on.
Napakadali lang sabihin na magmo-move on ako, pero sa totoo lang napakahirap niyang gawin lalo na sa sitwasyon ko. Para ba kasing may hinahanap akong isang bagay, 'yong para bang may kulang at alam kong kapag napunan na 'yon ay magagawa ko nang magmove on. Kaya nga lang ay hindi ko alam kung ano ang kulang na 'yon.
"Ang sakit pa rin talaga," mapait kong sabi at napatawa na lamang sa aking sarili kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
F*ck this feeling! Bakit ba kasi ang hirap kalimutan ni Ayana?! Bakit ang hirap na kalimutang minahal ko siya?!
"Kahit hindi na tayo magkabalikan ayos lang, basta mapatawad mo lang ako ay sapat na sapat na para sa akin," I said between my sobs.
Hinubad ko ang aking salamin at ipinatong ito sa bedside table at pininasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pagtulo.
I hugged the ring and cried until I felt numb.
Siguro 'yong missing piece sa puso ko para makamove on mula kay Ayana ay ang kapatawaran niya.
Gusto ko talagang linawin sa kaniya ang nangyari five years ago, pero ang problema ko nga lang ay hindi niya ako pinapakinggan.
Should I beg her to listen to me? Kahit isang beses lang niya ako pakinggan ay ayos na. Kaya nga lang, maniniwala kaya siya sa mga sasabihin ko? Malamang hindi dahil isang sinungaling na cheater ang naging paningin niya sa akin magmula noong gabing iyon.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...