Andria's POV:
"Good morning Philippines! Good morning world!" masigla kong bati sa sambayanan paglabas ko ng kwarto ko.
"Ke aga aga nakasigaw ka 'te? Ang ganda ng kondisyon ng tainga ko tas babasagin mo lang." sabi ng kapatid ko habang nakatakip ng tainga.
"Tagal ng basag yan tanda at hindi mo ako ate."
"Oo kasi bawat umaga, nakasigaw ka at mas matanda ka sa akin."
"Excuse me, mas matanda ka sa akin at hindi yun sigaw, pang good vibes yun para di ako magaya sayo na laging iisang linya ang kilay."
Napansin kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Parang ganyan, laging nakakunot noo." sabi ko habang nakaturo sa kilay niya.
Kokontra pa sana siya pero lumabas si nanay galing kusina.
"Tama na yan mga bubwit. Kain na at baka malate pa kayo. First day of school niyo pa naman ngayon."
"Oo nga nay. First day pa ngayon kaya okay lang na malate." sabi ko. Nakita kong unti-unting tumataas yung isa niyang kilay at nag cross arms siya kaya agad akong tumungo sa kusina.
"Joke lang." sabi ko habang naka peace sign kahit di nila kita. ^^
"Siya siya. Andrie, kain na." tawag ni nanay sa kapatid ko ng di pa to tumatayo sa sofa.
"Diet siya nay."
"Di ba uso sayo ang 'wala lang gana'?" angil ni Andrie pagpasok niya sa kusina.
"Hindi. Ano ba yun?" sa halip na sagutin niya ako, bumaling siya kay nanay.
"Ma, saan niyo pinaglihi si Andria? Kay Plato o Aristotle?"
Natawa lang si nanay sa tanong niya.
"Kay Aphrodite brod." singit ko ng nakangisi. Siya? di na komontra. Syempre, magkamukha kami kaya pag tinawag niya akong pangit, pangit din siya.
"Sa tatay niyo." sabi ni nanay. Napansin kong lumamlam ang mga mata niya kaya agad akong tumingin sa kapatid ko na alam kong napansin din ang pag-iiba bigla ni nanay ng mood.
"Nay, may bagong wrinkles sa mukha niyo? Nanganak yata kagabi yung isa." pag-iiba ko ng usapan para madistract ang pinakamamahal kong nanay.
"Ha? wrinkles? yaan mo yan. Beauty rest lang ang katapat niyan." sabi ni nanay at nawala na din ang lungkot sa mga mata niya kanina.
Pwew.
Isa sa pinakaayaw ko ay ang nakikita si nanay na malungkot kaya lahat gagawin ko wag lang siya malungkot. Although alam kong tinatago lang niya sa amin ang lungkot niya pero atleast, mabawasan ko man lang yun ay ayos na.
BINABASA MO ANG
The Rich Boy vs. The Scholar
RomanceHer: Siya ang spice sa buhay kong mas kupas pa sa damit niyang pinakaluma ayon sa kanya. Lagi niya akong binabadtrip sa kadiliman ng kanyang budhi. Lagi niyang pinapataas ang kilay ko sa kanyang kayabangan at kaarogantehan. Daig pa niya ang nanay ko...