Kabanata 1

15 0 0
                                    

       Kasalukuyang idinadaos dito sa Eastern Life School iyong Admirer's Day. Ginagawa ito every January, before mag valentines. May magbibigay sayo ng bulaklak or letters kung may nagkakagusto sayo, puwedeng pangalan at puwede ring hindi. Kung may nagugustuhan ka ay puwede mo siyang padalhan ng kahit ano. Sa kaso ko, wala akong padadalhan dahil wala naman akong mga crush ganyan.

       Masaya yung buhay ko. Aral, libro at Science. Boring kung sabihin ng iba, hindi ako nerd fyi. Hindi rin ako hopeless romantic desperada rin akong magkalove-life ano. Nakaka out-of-place kaya.

"Hulaan ko si Joseph nagpadala ng chocolates na yan noh Aryana?"  Ani  Samantha or Sam na nagpapalit-palit ng tingin kay Arianne at sa chocolates na haw nito. Toblerone yayks

"Malamang Sam. 3 taon na atang puro toblerone ang nilalamon niyang si Arianne ta's tatanungin mo kung sino pa yung nagbigay? Sino pa ba? Ay, shunga" Pambabara ni Lauren at hinaplos haplos yung rose na binigay sakaniya ng bago niyang boyfriend habang umiiling kay Samantha.

Hinampas naman ni Samantha ng lobo si Lauren na binigay sakaniya ng manliligaw niya. Inawat ko naman sila. Catfights.

Nilingon ko si Arianne na kumakain ng chocolate niya at kumuha ako doon at

"Arianne, yung chocolates mo matutunaw din yan"

Gumawi naman ako kay Lauren

"At Lau,"

Tiningnan niya lang ako ng masama

"Oh ano yung akin Ashley Isabella?"

"Malalanta din yan" Natatawa kong sabi at nginuso ang bulaklak na hawak niya na agad niyang tinago dahil baka kunin ko.

"At puputok din yan" Tinuro ko ang lobo ni Samantha

"BITTER" Sabay sabay nilang sabi

"Wala kasing lovelife. Lumandi ka nga Ash" ani Tinusok ni Sam ang tagiliran ko

"Yung libro kasi yung Jinojowa yan" Dagdag ni Lau

Binigyan ako ni Arianne ng libro na galing sa bag niya. Nagdadala pala 'to ng libro?

Ngumisi ako

"Mabibigyan ka ba ng flowers, bulaklak at chocolate ng libro na yan?" Ani Arianne habang kumakain ng chocolates parin. Hinampas ko sakanya yung libro at agad naman siyang napa-aray.

"Adi anshaket ha. Anshaket. Just stating the facts, you know" Slang na sabi ni Arianne with maarteng gestures. Ginaya ko yung mga ginagawa niya na lalo niyang kinaasar.

Biglang may naaninag ako na gwapong lalaki sa pinto, nakatingin siya sa akin at may dalang bulaklak? Si Nathan. Ke gwapo oh. Jusko paano

Ito na po ba. Ito na po ba ang lovelife na hinihintay ko? Sa wakas naman.

Habang papalapit siya ay inayos-ayos ko yung buhok kong naka braid pa.

Papalapit na siya, mukhang tama nga ako kasi papunta siya sa upuan ko.

Naramdaman kong pumunta siya sa likuran ko? Oh shz. Baka naman si Lauren or Samantha or Arianne yung bibigyan niya ng rose? Assuming lang ako. Eh bakit sa akin siya nakatingin. Paasa din eh.

Naglakihan yung mata ng mga kaibigan ko na parang nagulat sila sa kung ano ang nasa likod ko. Mas lalo silang nagulat nung kinalabit ako nung taong nasa likod ko gamit yung rose na dala-dala niya. Napatakip pa nga ng bibig si Sam eh.

Ilang segundo ay humarap ako ng nakangiti kay Nathan, naka poker face lang naman siya at parang tinatamad. Uhh? Akala ko manliligaw na?

"Ashley, pinapatawag ka ni Ma'am Demenes sa Science Laboratory 2" ani Nate at umalis na. Lumingon ako sa mga kaibigan ko at bumagsak ang mga mukha nila. Maski yung akin din.

"Akala ko" yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hiniga ko nalang yung ulo ko sa desk ng arm chair ko. Hay.

"Akala ko rin Ash!" pagmamaktol ni Sam at pinadyak pa ang paa.

"Hirap talaga pag di habulin noh?" Malungkot na sabi ni Lau na siyang nakapag pabalik ng energy ko. Aba't.

Tumawa silang lahat.

Kinurot ko siya sa balikat ng. Huy, di naman ako pangit. Sadyang iba lang yung taste ng mga lalaki. Yeah that's why.

     Dumiretso nalang ako sa Science Laboratory habang nasasalubong ko halos lahat ng estudyante na may hawak na mga regalo, chocolates, flowers at iba pang mga kaartehan. Sa sobrang ka-sentimental ko ay may nabunggo ako at napaupo sa lupa, ay ang gwapo. Ito na po ba? Ito na po ba?

Napatulala ako sa lalaki na nakabunggo saakin. Literal na tulala. Ganito iyon diba? Sa mga love stories, pag nagkakabungguan yung lalaki at babae, magkakakilala sila at magkakatuluyan. Araw ko nga ito. Juicecolored.

Kumunot yung noo ng lalaki sa akin na parang na naiirita sa ginagawa kong pagtitig. Imbis na tulungan niya ako dito sa pagkadapa ko ay umalis lang siya at narinig ko pa ang sinabi niya na.

"PARANG TANGA"

Masakit madapa.

Turn-off nanaman ash.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Oo. Araw ko nga ito, magdedate nalang kami ng microscope.

Natapos ko na yung inuutos sa akin na ibalot yung mga pangpaiwas sa mga langgam. Experiment namin ito. Hinawakan ko lang itong "anti-ant chalk" at habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeepney ay inilista ko yung mga ingredients nito dahil bibili ako ulit bukas. Hinihintay na ako ni Samantha doon dahil sabay nga kami uuwi since magkapitbahay kami. Naagaw ng atensyon ko ang lalaking binibigyan ng rose ang babae, tinanggap ng babae yung rose at hinalikan ang lalaking nagbigay nito sa cheeks na si Nathan pala, yung lalaking akala ko first manliligaw ko na. Too much PDA. Sinurprise niya ata yung babae kasi nakapalibot sakanila yung mga tao na may dalang rose lahat, gumastos pa talaga si Kuya, edi ikaw na ang maeffort.

Nilagpasan ko sila at tagumpay na nakarating sa labas ng gate. Lahat halos ng nakakasalubong ko may mga regalo, ako lang ata yung may hawak dito ng Anti-Ant chalk eh. Akala ko ay ligtas na ako sa PDA, pero andami ko paring nakita lalo na yung lalaki na nakabunggo sa akin kanina na inaagaw yung bag ng babae para bitbitin niya, pero yung babae ay matapang na nakikipag-agawan din. Pwe, ibibigay mo din naman yang bag mo eh.

Tumakbo na lamang ako sa Jeep at nakita ko si Sam, kasama yung manliligaw niya. Pati ba naman dito oh.

Tinapik ni Samantha ang bubong ng jeep

"Manong, gora na!" Aniya

Nakayukong Natawa yung lalaking kasama niya at hinawi ang kamay ni Sam sa bubong ng jeep. Siya siguro si Casper. Gwapo siyempre, maganda taste ni Sam eh. Nagtitinginan sila at nagtatawanan. Napatingin sa akin si Samantha dahil malapit na yung bahay ko, napairap nalang ako. Dumila siya sa akin na parang nang-iinggit.

Pagkadating ko sa subdivision ay nakita ko kaagad palabas si Sebastian kasama ang girlfriend niyang si Bethany. Kapatid ko pero di siya totoong anak kasi inampon siya dahil malungkot daw ako nung bata ako. Ka'age ko lang din si Seb at ka'schoolmate ko pa.

Binati ako ni Beth at Seb pero tumikhim lang ako sa kanila. Natawa naman silang dalawa at alam ko na kung bakit.

"She's pissed. Puro PDA nakita niyan sa school"

Sabi ni Seb kay Beth.
Tama Seb. You really are my brother

"Walang lovelife hayaan mo na sus"

Malambing na sabi ni Beth kay Seb.

"OO NA! OO NA! AKO NA ANG MAG-ISA!" Sigaw ko sa kanila.

LONELY DAY.
CRAP EVENT.
USELESS EVENT.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

vhxfhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon