Chapter 1: Desisyon

18 1 0
                                    

'Sunday is for the Lord'

Malapad akong ngumiti dahil linggo na naman, hindi kumpleto ang isang linggo kapag hindi ako nagsisimba. Sabi kasi ni mama laging unahin ang Diyos lalo na 'pag linggo, maka-Diyos si mama kaya naman magagalit yon kapag nakita niya ng hindi kami gumagayak patungong simbahan.

'Huwag kang lalayo sa Diyos, Anak. Siya ang gawin mong sandigan mo.'

Napapangiti ako sa tuwing inaalala ko ang linyang iyon. My mom is strict but her words is like a magic, napapansin mo nalang na sumusunod ka na sa mga habilin niya.

Pasaway ako oo, nag stop nga din ako ng dalawang taon eh kaso nung una dahil iyon sa nagkasakit si mama, dahil bata nga ako noon kailangan kong tumigil kasi kailangan namin siyang unahin. Nung pangalawa naman Grade 9 ako noon, dala ng mga nangyare, kinailangan kong huminto sa pag-aaral.

Depression is not a joke. Totoo, kasi hindi mo mako-control kapag anjan na. Pero ang bait ni Lord kasi hindi niya ako hinayaan, binigyan niya ako ng maraming rason upang magpatuloy.

I am Luna Selene Medina, 20 mula sa probinsiya ng Nueva Vizcaya. Sa kabila ng mga ngiti ko ay ang nagtatagong lungkot na kailanman hindi ko kayang ibahagi kila mama.

Mental Health Illness is not a joke, akala mo normal lang mag overthink? Akala mo normal lang manginig? Akala ko din eh. Hindi ko naman alam na anxiety na pala, lumalaban ako kasi ayaw kong maging mahina sa harap nila mama.

Pero ang totoo, gabi-gabi akong umiiyak at nagmamakaawang tama na.

'The past is hunting me'

Masakit kasi hindi ko kayang magsabi kina mama dahil na din sa kadahilanang isa sila sa mga rason kung bakit ako narito sa sitwasyong ito.

"Anak, okay na ba yung damit mo?" Natauhan ako ng marinig ang boses ni mama.

"Opo Ma, hindi po ako mag dredress ngayon." Iyon ang tugon ko, wearing dress is my thing ang kaso hindi maaari dahil ang dami kong sugat.

'Sensitive skin and sensitive heart kaya madaling ma-attach! Charot!'

Sunday ang lagi kong inaantay dahil maliban sa makakapagsimba ako, masasaksihan ko ulit ang kalangitan, madadama ko ulit ang kapayapaan.

8:00am na din kaya naman kinailangan ko ng maligo para hindi ako mahuli.

Pagkatapos maligo nagsuot lang ako ng isang maong na pantalon at isang asul na damit.
Tuck-in para astig nagbelt din ako ng black dahil maliban sa payat ako, maluwag dn ang pantalon ko.

Nagsuot din ako ng 2inches brown high heels.
Polbo, pabango at lipgloss lang ayos na.
Mas maganda ang babae pag walang make up!

#embraceyourflaws

Pagkatapos magprepare nagtungo na ako sa simbahan.

The United Methodist Church

Pagkapasok ko, may mga tao na. Ngiti dito, kaway jan. The soft music coming from the organ gave me soft vibes. Hinihila ako ng musika palagi pero minsan tinatakbuhan ko. I love music lalo na ang pagkanta pero minsan ang hirap kumanta lalo na 'pag may mabigat kang dinadala.

"Ateee!" Isang batang babae ang sumalubong sakin, nadala ako sa saya na nagmumula sa mga labi niya.

I can't help but to smile at her too.
She's so sweet!

One Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon