Ayana's POV
Nagpatuloy kami ni Eric sa paglalakad hanggang sa hindi na namin namalayan na dinala na pala kami n gaming mga paa sa isang parke.
"Ang sarap talaga ng simoy ng hangin ngayon noh?" masaya niyang wika kasabay ng pag-upo niya sa isang swing sa playground dito sa park na napuntahan namin.
"Oo nga eh, nakakarelax," sagot ko naman at naupo katabing swing na inuupuan ngayon ni Eric."Nga pala, wala ka bang pasok bukas? Baka mamaya hindi ka magising ng maaga nito ah?" tanong ko sa kaniya.
Sa halip na mag-alala rin siya sa paggising at pagpasok niya mamaya ay tinawanan niya na lamang ako na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
"Oh? Bakit ka tumatawa?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. "Parang hindi ka man lang nag-aalala na baka mamaya ay mahirapan kang magising at pumasok mamaya."
"Ano ka ba! Sanay na ako sa puyatan! Madalas nga na halos wala akong tulog dahil sa trabaho," natatawa niya namang sagot at idinuyan ang swing na sinasakyan niya.
"Sabagay," bulong ko at napatingin sa sahig.
Surgeon si Eric at alam ko naman kung gaano kahirap ang kaniyang trabaho. Tulad ng kaniyang sinabi ay madalas siyang walang tulog at pahinga, lagi rin siyang busy kaya nga hindi ko alam kung papaano niya pa ako nasisingit sa oras niya.
"Bakit mo nga pala naisipan na ayain akong lumabas at maglakad ng ganitong oras?" tanong ko kasabay ng pagtingin ko sa kaniya.
Lumingon din naman siya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. "Gusto lang kitang makita at makausap."
Para namang may kung anong tumusok sa aking puso matapos niya itong sabihin. Sigurado naman ako na konsensya ko ang may kagagawan kung bakit ako nakaramdam ng ganoong pakiramdam sa aking puso.
Hindi ko talaga maintindihan kung papaano pa ako nagagawang itrato ni Eric ng tama matapos ko siyang saktan. Napaka martyr nga naman talaga ng puso niya.
"Sorry talaga ah." Napayuko ako.
"Ano ka ba, wala nga 'yon," sabi naman niya at hinawakan ang aking baba upang iangat ang aking ulo. "Okay lang 'yon at naiintindihan ko naman kita, kaya 'wag ka na humingi pa ng sorry, okay? Okay na tayo sa bagay na 'yon."
Muli na namang nagbabadya ang mga luha ko ngunit pinigilan ko silang pumatak.
Binigyan ko na lamang si Eric ng isang tipid na ngiti at muli na akong yumuko.
Okay lang? Papaano 'yon naging okay?! Alam kong sinabi niya na tapos na 'yon at okay na kami pero alam kong deep inside ay nasasaktan talaga siya, at ang malala rito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
"Ayana," he called my name.
"Hmmm?" Napatingin naman ako sa kaniya.
Nawala na ang kanina'y matamis na ngiti sa kaniyang labi at nag iba na rin ang aura ng kaniyang mukha at mga mata.
"Kung ayos lang sana na sagutin mo ang tanong ko... Paano kayo natapos ni Daven?"
Bahagya namang akong natigilan sa kaniyang tanong.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kaniya.
Dapat ko bang isagot sa kaniya ang bagay na lagi kong sinasabi sa tuwing may nagtatanong kung bakit kami nagkahiwalay ni Daven?
"We ended the night he kissed another girl." Napayuko ako. "You know that naman."
"I'm asking how, Ayana. Like how? How did the two of you ended?" muli niyang tanong. "If okay lang naman sa'yo na sagutin ang tanong na 'yon, but kung hindi, ayos lang din naman."
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...