Barista
Naging nature na yata namin ni Ian na tumambay sa isang coffee shop at magkape ng magkasama. Kahit wala na akong mahugot sa wallet ko minsan ay nagkakahimala dahil bigla akong nagkakaroon ng pera basta kape ang pinag-uusapan.
Ian asked me to go out for a coffee na hindi ko rin naman tinanggihan dahil dakila rin akong adik sa iced coffee. Kahit tanghaling tapat, sumugod kaming dalawa sa coffee shop. Kahit mahal ang pamasahe naming dalawa, nagkita pa rin kami para lang magkape.
Work hours pa kaya ang karamihang narito ay ang mga taong walang magawa sa buhay na kagaya namin ni Ian. Hindi pa kami nagwowork kaya malaya kami, we're still students.
Kaming lima sana ang magkikita nila Ishi pero ako lang ang nagrespond sa chat ni Ian sa group chat namin kaya ako lang ang kasama niya ngayon. Siguro, busy na naman si Anni sa mga Korean drama niya at ganoon din si Sej dahil naimpluwensyahan na siya ni Anni. Si Ishi, siguro nagpapakasaya sa bahay niya. Hindi ko alam trip niya sa buhay these days. Basta ang alam ko lang, madami siyang nasasagap na pogi.
"The barista here looks good," sabi ni Ian habang binubuksan ang wooden door. Parang makanature ang nagdesign ng coffee shop na ito dahil puro wooden ang upuan and table. Tapos yung mga decorations pa nila ay puro halaman kaya nakakagaan ng loob ang atmosphere.
"Ayun naman pala! Kaya ka nagkakape palagi?" akusa ko rito. Alam ko namang pare-parehas ang pinagmulan namin dahil pare-parehas kaming wala pang nagiging boyfriend pero mas open siya sa pagkagusto sa isang lalaki.
"With that barista? 'Di malabo, but he is not my type. I just love coffee talaga."
Agad na hinanap ng mata ko ang sinasabi niyang barista. Nakatalikod pa ito as of this moment pero masasabi ko na agad na gwapo nga ang kaniyang likod. He is wearing a cream-colored polo at nakatupi iyon hanggang sa kaniyang siko. Gagi, ang puti ng braso niya! Siguro pag magkatabi kami, may mga epal na tatawag sa amin na kape at gatas.
Hindi ko inalis ang aking tingin sa lalaki. Minsanan lang makakakita ng ganito. Sa dinami dami kasing bahay sa tabi namin, hindi man lang ako biyayaan ng isang araw para makakita ng ganitong klaseng tao.
I stopped thinking, baka kasi mamaya, wow mali na pala ako. Nakatalikod pa naman ito kaya hindi ko pa masabi kung tama ba ang sinasabi ni Ian na pogi nga itong barista.
Nanliliit ang mga mata kong tinignan ang barista habang hinihintay itong lumingon. Nakahanap na kami ni Ian ng pwesto; tamang tama ang kinuha naming upuan para makita ang tao sa counter pero hindi kami ganoon kalapit.
I glanced at the barista, he is smiling widely at the customer as he walked near to the person who's taking the customer's order. Ngayon pinagsisisihan ko ng hindi ako ang um-order ng sa akin. Kahit hindi na libre ni Ian, kahit ako na. Ako na mismo maghahain ng sarili ko kung ganyan kagwapo ang gagawa ng kape ko.
"He's your type! I knew it! Tamang tama ang pagdala ko sa'yo dito."
"Gustong gusto mo na ba talaga akong magkaboyfriend?" malumanay kong tanong. Kung ibang araw at ibang tao ang nakikita ko rito at hindi ang baristang iyon, baka nabugahan ko na ng apoy si Ian.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
Teen FictionEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...