Ayana's POV
"Ayana!" hinihingal na sigaw sa akin ni Eric na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako.
Hinihingal naman akong napahinto sa paglalakad. Ngayon ko lang din naramdaman na lakad-takbo na pala ang ginawa ko kanina.
"Wait lang, Ayana," hinihingal na wika ni Eric kasabay ng paghawak niya sa aking kamay. "Malayo naman na tayo sa kaniya kaya, tsaka hindi niya na tayo mahahabol pa."
Nanatili akong nakayuko habang si Eric ay nakahawak pa rin sa aking kamay.
Sa hindi rin malaman na dahilan ay biglang nag-init ang gilid ng aking mga mata at naramdaman ko ang mga nagbabadyang luha mula sa aking mga mata.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Eric at pilit niyang tinitingnan ang aking mukha, kaya nga lang ay bukod sa nakayuko ako ay natatakpan din ng mahaba kong buhok ang aking mukha.
"Ayana?" he called my name.
Tinanggal niya ang lahat ng mga buhok na nakaharang sa aking mukha at hinawakan ang aking pisnge para iangat ang aking ulo.
"Ayos ka lang ba?" muli niyang tanong at pilit na tinitingnan ang aking mga mata na siya namang iniiwasan kong mangyari. "Ayan-"
Agad siyang natigilan nang makita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.
"Hindi ko na kaya pang pigilan," bulong ko habang nakatingin sa sahig.
"Ayana," he called my name once again.
"Ang sakit, Eric, at ang malala ay hindi ko alam kung bakit," wala sa sarili kong wika.
Agad naman niya akong hinatak at niyakap. "Sige lang, ibuhos mo lang hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo," malumanay niyang wika habang hinihimas himas ang aking mahabang buhok.
Tulad nga ng sinabi niya ay inilabas ko na lahat ng mga hindi ko maintindihang nararamdaman.
Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib niya.
"Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko," tumatangis kong wika. "Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko!"
"Sige lang, ibuhos mo pa, makikinig ako at nandito lang ako."
"Naiinis ako sa kaniya! Nagagalit ako sa kaniya! Pero hindi ko maintindihan kung bakit minsan ay nakakaramdam ako ng hindi ko maintidihan na pakiramdam kapag nandyan siya! Hindi ko masabi at maipaliwanag kung ano 'yon basta nakakainis!" sigaw ko habang umiiyak pa rin sa kaniyang dibdib.
Alam kong hindi ko na dapat pa ito sinasabi kay Eric,pero kasi kusang lumalabas na lang ang mga salitang 'yon sa bibig ko.
Natatakot ako na baka muli ko na namang masaktan si Eric gamit ang mga salita ko, pero hindi ko na kasi talaga kaya eh, para bang bigla na lang ako nakaramdam na sasabog na ang puso ko kapag hindi ko ito nailabas. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit ko nga ba ito talaga nararamdaman.
Naaalala ko noon lalo na noong nagkahiwalay kami ni Daven, maraming tao ang nagtatanong lalo na ang mga kakilala namin kung ano ang nangyari sa aming dalawa, matapang ko namang sinasagot ang mga tanong nila, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit mabilis na ako manghina at masaktan sa mga bagay-bagay na sangkot si Daven.
Hindi kaya dahil matagal kong kinimkim ang nararamdamang ito?
Naguguluhan na rin talaga ako sa nararamdaman ko, para kasing madalas na bigla bigla na lang akong nakakaramdam ng mga magkahalo at hindi maintindihang pakiramdam kapag nandiyan si Daven.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...