SA ISIP KO(one shot)

620 20 7
                                    

Joyce's POV

Haaaay!Ang bilis ng panahon.Parang kahapon lang nagkakilala kami ni Kristoffer,Parang kahapon lang niligawan niya ako,Parang kahapon lang sinagot ko siya,Parang kahapon lang naging kami tapos ngayon magfifirst year anniversary kami,Yun nga lang nasa America siya at nag-aaral.Ewan ko kung uuwi siya pagsapit ng first year anniversary namin.Haaay!Bukas na ang anniversary namin pero wala pa rin siya.

(Cafeteria)

"Huy!"

"Ay tipaklong na bakla" Ang hilig talagang manggulat ni Derrick.

"Ang lalim yata ng iniisip mo" Umupo siya sa tabi ko at kinuha yung dala kong sandwich sa lamesa.

"Ah wala,Iniisip ko lang si Kris" Sinabi ko saka nanglumbaba.

"Alam mo,Masamang mangalumbaba kapag kumakain atsaka uuwi rin yang si Kris" Sabay subo ng sandwich at sipsip ng aking coke in can.

"Alam mo,Masamang kainin ang pagkain ng iba" Inagaw ko sa kanya yung sandwich at coke in can ko.

“Ahihi!Sarreh” Sabi niya naman.

“Hiiiii!Guuuuys!” Biglang dumating si Lexi,Girlfriend ni Derrick at bestfriend ko sa school na pinapasukan ko.

“Hi Hunny” Tumayo naman si Derrick at niyakap si Lexi.

“I missed you” Makulet na sinabi ni Lexi.

“I missed you more” Sinabi ni Lexi saka kinurot yung ilong niya.

“I missed you more than ever” Sinabi ni Derrick sa cute na boses.

“No!I missed you even more” Haaay!Kelan ba ‘to aawat?

“Sssssh!Ang kulet niyo!Oh sige na,Miss nyo na ang isa’t-isa at ako na ang-----”

“Walang LOVELIFE” Malakas nilang sinabi.Emeghed!Nakakahiya.

“Ssssh!Nakakahiya oh!” Namula naman ako sa sobrang kahihiyan.

Kris’s POV

I miss her so much!Mahirap palang magkaroon ng Long Distance Relationship.Akala ko kaya ko ‘tong whole Long Distance Relationship idea pero mahirap pala talaga lalo na kung yung mahal mo ay nasa lugar kung saan malayo ka sa kanya.Pero makakauwi na rin ako sa wakas,Sa saktong araw ng aming anniverary,February 24.Plano ko siyang surpresahin at yayain na ring magpakasal.Ngayong araw ang alis ko at bukas ang anniversary namin.

(Airport)

“Hello Rick” Kausap ko ngayon sa cellphone si Derrick,Bestfriend namin ni Joyce since Highschool.

“Oh Bro” Sabi niya sa kabilang linya.

“Rick!Wag kang maingay ha!Lalo na kay Joyce”

“Oh bakit naman?” Pagtatanong niya.

“Pauwi na ako ng Pilipinas ngayon at plano ko sanang surpresahin at yayaing magpakasal si Joyce,Gusto ko kasi Bro!Ako yung magsusurpresa sa kanya!Pwede bang wag mo munang sabihin kay Joyce na uuwi ako sa anniversary namin?Makakaasa ba ako sayo?”

“Geh Bro!Makakaas ka” Binaba ko na ang phone at sumakay na ng eroplano.

“Baby Gurl,Makakauwi na rin ako!Mag-antay ka lang”

SA ISIP KO(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon