Mayday

37 1 0
                                    

Bago ko po ito simulan. May sasabihin po ako. Dahil sa hindi ko po magawang story ito, gagawin ko nalang po na oneshot.
Ngayon palang po, hindi siya love story. Nauurat na ko magsulat ng love story, okay na ata yung dalawa kong chaptered story. HAHAHA.
This inspired me about Fallen 44. Napanood ko kasi sa MMK yun. Super umiyak talaga ako at saka sa Sewol sa Korea.
Note: KST means, Korean Standard Time, 1 hour advanced. Kung 2 AM sa Pinas, 3AM na sa Korea. ---

MAYDAY
May 6, 2015 KST: 2:06AM

ASHLEY

"Pangalan po ng kamag-anak nila?" tanong sakin ng isang lalaki na may hawak na mahabang listahan.
Tinitigan ko siya at tumutulo parin ang aking mga luha. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay, at saka ko hinila ang hoodie ng jacket ko sa ulo ko.

"Jung Andrei." sabi ko ng simple pero madiin. Tiningnan niya ang papel niya at tumingin sakin.

"Isa siya sa mga hindi pa nahahanap. Mag-hintay nalang po kayo." sabi niya sa akin at nanlambot ako. Tuluyan akong bumagsak sa lupa at umiiyak.

Sabi mo, kuya, babalik ka?!

"Ate. Tumayo ka na po. Hindi lang naman po ikaw ang nawalan," sabi sakin ng lalaki at tinulungan niya akong tumayo.

"Matatalino ang mga tao sa loob ng ship na 'yun. Hindi nila deserve na mangyari 'to." dagdag niya at napa-oo ako.

"Hahanapin nila ang kuya Andrei mo. Wag kang mag-alala." sabi niya pero lumayo nalang ako.

Tumayo ako malapit sa may harang. Tinititigan ko ang barko sa malayo na naka-baliktad. Sabay sa pagtulo ng ulan ang pagtulo ng luha ko. Wala na si kuya. Wala na siya. Iyon lang ang nasabi ko. Sumandal ako sa harang at hindi parin tumitigil ang ulan at ang pag iyak ko. Tumingin ako sa paligid at nakita kong parami ng parami ang mga tao. Umiiyak at naglulumpasay. Karamihan ay mga nanay at tatay, mga pamilya.

Habang ako, ako lang mag isa. Mag isang umiiyak, nalulungkot at nagdudusa. Malamang ako na din mag-isa sa buhay.

Napa-upo ako at patuloy padin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Mga estudyante niyo sila! Bakit niyo hinayaan na magka-ganito?!" sigaw ng isang tatay at namumula dahil sa galit.

"Dapat alam niyo ang responsibilidad niyo! Mga gago kayo! Kapag hindi nakita ang anak ko, mamamatay kayo!" sigaw niya ulit pero inalisan siya ng lalaki. Napaka-bastos. Walang galang. Kahit ako, magagalit ako. Tama, dapat inasikaso nila ang mga mangyayari. Bakit ba naman sila aalis dito kung may bagyo naman? Napaka-laking tanga.

Isang maingay na mga tunog ang narinig ko sa malayo. Tumingin ako at nakita ko ang mga rescue na may buhat-buhat. Tumayo ako at sumilip sa likod ng madaming tao.

Nagulat ako at napa-singhap. Nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko sa sobrang gulat. Tiningnan nila ang pin sa may bandang dibdib ng uniform ng lalaki.

"Jung Andrei. Sinong may kamag-anak kay Jung-" Tumakbo ako at hinawi lahat ng tao sa harap ko. Wala akong pakialam kahit matumba sila.

Napa-luhod ako sa harapan ng malamig na bangkay ng kuya ko. Niyakap ko ang katawan niya. Mutlang-mutla ang katawan niya. Lalo ako napaiyak at niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"KUYA!!!" sigaw ko at nilagay ko ang ulo ko sa leeg niya.

"Kuya! Gumising ka! Paano na ako?! Ayokog mag-isa sa buhay! Kuya naman oh, gumising ka. Sabi mo babalik ka ng maayos!!!!" sigaw ko at tinatapik ang pisngi niya.

Lumapit ang isang lalaki sa'kin at akmang kukunin ang braso ng kuya ko pero sinampal ko ang kamay niya.

"Tingnan niyo! Anong ginawa niyo?! MABAIT ANG KUYA KO!" sigaw ko sa mga lalaking nagbuhat sa kuya ko.

MaydayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon