Mula nang isilang kita
Doon pa lang ako namulat
Na ang pagiging Ina
Ay hindi masusukat
Sa paraang may maisilang
Ka lang na isang bata.Kundi ay paano mo ito alagaan
Gabayan, protektahan at ipagtanggol
Linangin ang kanyang murang isipan
Sa mundong sinasabi ng iba
ay hindi patas.Ngunit ang mundo nga ba ang hindi patas?
O tayong mga nilalang na bisita lang sa mundo'ng Maykapal ang lumikha?
Anak,
Ang nais ko lang lumaki kang maging mabuting bata
Na hindi papadaig sa hamon ng buhay.Na magiging matatag
Sa byahe ng buhay
Na walang labang hindi susukuan
Na maging masaya
Sa kabila ng mga pasubok.Anak, dalangin ko lang
Lahat ng pagmamahal at turo ko'y
Huwag mong malimutan
Ikaw ang isa sa dahilan
Kung bakit ako ay patuloy na lumalaban.