Lumulubog ang bangkang sinasakyan ko, may sumabutahe sa bangkang ginawa naming dalwa.
Umihip ang hangin sa lamig nito ako ay nabigla!
Dko alam ang gagawin sapagkat akoy nababalisa na.
Hinahanap ko sya dahil nangako sya.Diko napansin nalagot ang tali ng aking layag na syang mismong naglagay sa akin sa kapahamakan.
Biglaang nangyari at sa diko inaasahan.
Dumampi ang tubig na unti unti akong nilalamon ng karagatang madilim, at biglang pumatak ang luhang kanina ko pang kinikimkim.Dahil sa mismong oras na kailangan ko,
Ay syang oras na wala sya.
Ang luhang dumadaloy sa pisngi papunta sa aking labi habang iniisip ang masasayang pangyayari.
Ang unang halik......at haplos... mo sa aking balat na nagbigay init sa aking katawan.
Makasalanang kamay_ mo ang nag pawi ng mainit kong karamdaman.Pero lahat yon ay nabura ng naramdaman ko na ang bigat sa aking paghinga.
Diko na maibuka ang aking bibig sapagkat naubusan na ako ng hangin, ng init at ng paasa sa tulong nya.Ang taong kanyang pinili ang mistulang pesteng daga na ngumatngat ng tali.
Para bang sa talas ng kanyang ngipin handang kumitil ng buhay ng iba.
Upang makuha lang ang ninanais nya,
Hindi nako nanlaban pa dahil alam kong ngayon ay pumapanig kana sa kanya.Nakakapagod mag isip kung ano ba talagang nangyari,
Bakit parang ako pa yung mali at may pagkukulang sapagkat ikaw itong bumitaw sa aking kapit. At nag pumilit na gugustuhin mo! Sa nanaisin mo!Akala ko ba ako yung gusto mo!?
Akala ko ba ako ang bubuo sayu!?
Akala ko ba mahal mo ako!?
Akala ko ba hanggang dulo!?Wag kang mangangako, dahil una - hanggang huli ikaw ang aking PINILI!
Diko pinansin ang panlalait ng iba dahil alam kong nanjan ka!
Panghuhusga nila na sabi mo ay hayaan mo lang sila!
Mapapagod din sila.Pero bakit ikaw yung napagod?
Mali pala, bat ka bumitaw?
Huling tanong ko lang, bakit mo ginulo yung buhay ko na dati nang tahimik at masaya,
Na ngayon na balisa at Lumuluha!?