Daven's POV
"Ayana!" I shouted her name.
Makailang ulit ko pang sinigaw at tinawag ang pangalan niya, at umaasa ako na lilingon man lang siya kahit sandal... kahit saglit lang sana.
Naiintindihan kong galit na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon at naiintindihan ko naman 'yon. Ngunit kahit gaano siya kagalit sa akin ay hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na papakinggan at mapapatawad niya pa rin ako.
"Sh*t," mahina kong pagmura nang mapansin kong wala na siya sa aking paningin.
Saglit lang akong nalunod sa mga pinag-iisip ko tapos bigla na lang siyang nawala na para bang bula! Ang bilis naman yata niya maglakad ngayon?
Alam kong mali at hindi na dapat pero naisipan kong sundan pa siya, hindi rin kasi ako nagtitiwala sa lalaking kasama niya.
Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking kasama niya kanina ay 'yong lalaking biglang sumingit sa amin ni Ayana kanina, at sa pagkakatanda ko ay Eric ang pangalan niya.
Mabilis akong sumakay sa aking bisikleta at nagpedal. Hindi ko man alam kung saan na sila nakarating na dalawa pero sigurado akong hindi pa sila nakakalayo rito. Sigurado rin naman ako na mahahabol ko sila kahit na gaano na sila kalayo ngayon dahil bisikleta ang gamit ko at naglalakad lang sila.
Hindi naman ako nabigo dahil natagpuan ko silang dalawa mula sa hindi kalayuan.
"Ayan-" Isisigaw ko sana ang kaniyang pangalan kaya nga lang ay agad din akong natigilan sa biglaan niyang pagsigaw.
"Naiinis ako sa kaniya! Nagagalit ako sa kaniya! Pero hindi ko maintindihan kung bakit minsan ay nakakaramdam ako ng hindi ko maintidihan na pakiramdam kapag nandyan siya! Hindi ko masabi at maipaliwanag kung ano 'yon basta nakakainis!"
May kung ano namang tumusok sa aking puso at nanlambot ang aking mga tuhod matapos kong marinig ang mga salitang 'yon mula sa kaniya.
Alam kong kahit na hindi niya sabihin na para sa akin ang mga salita na 'yon ay alam na alam ko na ako ang pinapatamaan niya.
Kanino pa nga ba siya naiinis kung hindi sa akin lang naman 'di ba?
Hinintay ko pa siyang magsabi ng kung ano ngunit katahimikan na lamang ang bumalot sa buong kapaligiran.
Nasasaktan ako, at 'yan ang totoo. Nasasaktan ako ngayon dahil nasasaktan siya nang dahil sa akin. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito lalo na't kung bakit hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin si Ayana sa sakit na naidulot ko sa kaniya five years ago.
Alam kong nasira kami nang dahil sa isang misunderstanding pero mali ko pa rin dahil wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak, ni hindi ko man lang siya hinabol noong gabing 'yon dahil sa takot.
Noong sumunod din na araw noong natanggap ko ang mga bulaklak na padala niya ay umiyak lang ako sa isang sulok ng aking apartment. Wala talaga akong ibang ginawa noon dahil nagmukmok lang ako buong araw.
Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil naging duwag ako noon... naging duwag ako at hindi ko hinarap ang malaking problema sa aming relasyon.
Kung naayos ko kaya ang gusot sa pagitan namin noon ay masaya at kami pa rin kaya hanggang ngayon?
"Ang sakit naman sa mata," mapait kong wika at natawa sa aking sarili.
Isa pa sa dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon ay dahil masakit para sa akin na makita siya na yakap yakap ng ibang lalaki.
Well, kasalanan ko rin naman kung bakit ngayon ay mapupunta na siya sa iba kaya wala akong karapatan na magalit o masaktan.
Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking kasama niya ngayon ay ang lalaking sumingit sa pag-uusap namin ni Ayana, Eric din ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...