"Anong tinitingin-tingin n'yong dalawa?" Napatanung si Prince at huminto sa paglalakad sabay tingin sa dalawang kaibigan na nakangiti. "Para kayong tanga."
Ngumiti si Jem at binangga ng marahan ang balikat ni Prince.
"Naka score ka ba sa asawa mo?" Tanong ni Lee na umaangat-angat pa ang mga kilay.
"Mga gago! Hindi kami talo ni Emma," sagot ni Prince at napalingon-lingon. "Gago talaga kayo, kung ano-ano iniisip." Naglakad na ulit s'ya at sumunod naman agad ang dalawa.
"Asawa mo na s'ya so it means you can do whatever you want," tama nga naman si Jem pero para kay Prince hindi. He respects Emma kahit hate na hate s'ya nito, hindi n'ya gagawin ang bagay na 'yon dahil wala naman 'yon sa kanilang pinagkasunduan.
"Sa papel, oo asawa pero sa ganyang bagay... Bro hindi ko plan na gamitin ticket ang pagiging husband ko para lang sa sex. Saka I have a lot of girls na pwedeng makuha."
"Wag na wag ka magsasalita ng tapos, may sumpa 'yan. Baka hindi mo mamalayan e napalapit na loob mo kay Emz," sabi ni Lee at hinawakana ng balikat ni Prince.
"And worst e baka ma-inlove ka sa kanya," dagdag pa ni Jem.
"Hindi ko s'ya type. She's-"
"Maganda, matalino, madiskarte, masipag. Ideal wife," sabat ni Lee na iniisa-isa ang magandang katangian na nakita n'ya kay Emma dati pa. "Almost perfect!"
"Hindi s'ya type mo kasi hindi sexy, hindi revealing magsuot ng damit. Subukan mong bilhan ng magandang damit. Baka magulat ka. Kahit hindi revealing suot ni Emz, iba pa rin ganda nun," dagdag na naman ni Jem.
"Tigilan n'yo nga akong dalawa." Natawa na lamang si Prince sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
Pero napaisip din naman s'ya.
Oo, tama nga silang dalawa, na wife material si Emma but he doesn't fit pa rin sa kung anong ini-imagine n'yang maging asawa. Kung sa suotan lang naman, talong-talo si Emma sa mga nagiging babae n'ya na kung sino man lalaki makita kang kasama mga chix n'ya ay kakainggitan s'ya pero kung bibigyan lang ng formal at casual na damit si Emma, kabog lahat ng mga babae n'ya na puro revealing clothes ang alam. Kahit hindi sexy na damit, kung maayos lang, mas mapapa wow talaga ang mga tao. Iba kasi ang ganda ni Emma, tipong nakakagaan ng loob.
Nasa hotel bar na sila, nag iinuman.
"Siguraduhin mo lang bro na pagbumalik si Jaycee, e wala ng lugar sa buhay ni Emma. Syempre pinakasalan mo na, sayo na, wag mong hayaan maagawan ka," tumungga ng beer si Lee pagkatapos sabihin 'yon. "Total pinakasalan mo na rin lang naman si Emma, make sure mapapanindigan mo."
"Hindi mo pwedeng sabihin na pinakasalan mo lang dahil naawa ka sa anak nila at kay Emma. Na gusto mo lang e secure ang future nung dalawa. Alam namin marami kang pera, pero bro, once na napalapit ka sa mag-ina at biglang bumalik si Jaycee, ikaw ang masasaktan sa inyong tatlo. Syempre, pipiliin ni Emma si Jaycee, at kahit ikaw ang kalakihan na anak ni Tala, kukunin pa rin 'yon ni Jaycee," seryosong sabi ni Jem.
"E di bawiin n'ya," Prince smirk. Unbothered sa mga sinasabi ng mga kaibigan. "Wala akong pakialam, kasi ako pinakasalan ko lang si Emma para hindi ako ma questions ng parents ko kung bakit kailangan ko sila bilhan ng bahay at kung bakit ako tumutulong financially sa kanila. Isa pa, mas mapapanatag ako na.... ako, tayo ang tumutulong sa mag-ina kaysa naman pabayaan natin. Ano nalang sasabihin ni Jaycee, di ba?"
"Ang big question kasi dito, pwede ka naman tumulong without marrying her pero mas pinili mo s'yang pakasalan, so bakit?" Naguguluhan na sabi ni Lee.
"I explain it already before. Paulit-ulit kayo," naiinis na sabi ni Prince at inayos ang buhok.
Before pakasalan ni Prince si Emma, nangako s'ya sa sarili na hindi-hindi n'ya masyadong ilalapit ang sarili sa mag-ina. Saka nag set na rin s'ya ng boundaries sa kanilang dalawa para walang complications if ever bumalik na si Jaycee.
Marrying her was not an easy decision for him pero mas madali kasi s'yang makakagalaw pagganun. No questions from his parents or relatives. At saka that idea came from him naman, after seeing Emma's situation. Hindi na rin iba si Emma sa kanya though they are not that close kasi she's not the type of person na makwento pagkasama. But then Jaycee was like a brother to him, that's why he help Emma because of Jaycee.
"Hi!" sabi ng isang babae na lumapit sa table nila.
Napangiti ang tatlo ng makita nila ang nagagandahang mga dilag sa kanilang harapan.
"Wanna join us?"Tanung ng isa.
"No, you join us," napakagat labi si Prince at agad hinila ang isang upuan sa tabi n'ya to give space."
Umupo agad ang mga ito sa mga tabi nila, feeling welcome and comfortable.
"I am Jen, that is Aina and Des," pakilala ng nasa tabi ni Prince.
"I am Prince, that is Jem and Lee," pakilala rin ni Prince sa mga kaibigan n'ya.
"Taga saan kayo?" Tanong ni Aina na nasa tabi ni Lee.
"Pwede bang uminum nalang tayo without interviews?" tanung ni Jem. "We want those private shits private."
Ngumiti nalang ang mga babae and raise there bottle of beers para makigpag cheers.
Nalimutan ni Price na suot pa pala n'ya ang wedding ring n'ya kaya agad n'ya itong tinanggal at nilagay sa bulsa. Ayaw naman kasi n'ya na baka iyon pa ang makasira sa gabi n'ya.
"Kasama n'yo ba ang mga girlfriends n'yo o asawa dito?" tanung ni Jen na napatingin kay Prince. Nahalata kasi nitong nagtanggal ng ring.
"Single kami," agad sagot ni Prince and fix his hair.
"Talaga?" napa react si Des dahil hindi s'ya makapaniwala. "Sa mukha n'yong 'yan?" Dagdag pa n'ya.
"Kung meron man e di sana hindi kayo nakaupo d'yan," sagot ni Lee.
The three of them enjoy the night chitchatting and drinking with the girls they just met and without checking what time.
Nag enjoy rin naman si Emma sa bathtub moment n'ya but she got bored and decide na maglakad-lakad sa labas.
No, hindi s'ya lasing. Isang baso lang naman ng wine ang kanyang ininum. 'Yon lang din kasi kaya n'yang inumin lalo't first time n'ya makainum ng ganung klase ng wine.
Hindi n'ya alam sa kanyang paglalakad-lakad ay napunta s'ya sa outdoor bar ng resort. Wala sa plano n'ya pero nandun na rin naman s'ya kaya gusto n'yang e explore ang lugar.
"May light drinks ba kaya?" Tanong ni Emma sa bartender. "Tanduay Iced...apple flavored?"
"Meron po mam," sagot nito.
"Okay...isa"
Tahimik lang minamasdan ni Emma ang paligid while nag-e-enjoy sa music na pinapatogtug. Sa likot ng mata n'ya hindi n'ya sinasadyang makita sila Prince.
"Are you alone?" Tanung bigla ng isang lalaki kay Emma.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Husband, and Me
RomanceTurn between two men ang naging ganap sa buhay ni Emmalyn. Sino kaya sa huli ang kanyang pipiliin? Ang unang minahal? O ang lalaking pinakasalan lamang n'ya dahil sa mabigat na dahilan?