CHAPTER 11

1K 21 1
                                    

KAHIT inaantok pa ako at masakit ang ulo ko dahil wala akong maayos na tulog sa nagdaang gabi, maaga akong naligo. Baka mamaya ay magalit na naman sa ’kin si Hideo. May halos kalahating oras din akong nagbabad sa bathtub bago nagpasyang magbanlaw at tapusin na ang pagligo ko.

Pagkalabas ko sa banyo ay kaagad akong naglakad palapit sa closet. Naroon ang mga damit na binili niya kahapon para sa akin. Nakasilid pa iyon sa mga paper bag. Inilabas ko iyon at tiningnan isa-isa. In fairness, lahat ng pinili ni Sam ay magaganda. Pero kahit ganoon pa man, hindi pa rin ako natutuwa.

I let out a deep sigh and picked up a v-neck boho white dress na hanggang talampakan ko ang haba. Iyon na lamang ang isusuot ko. Medyo mga daring kasi ang iba roon. Ayoko naman magsuot ng ganoon.

Pagkatapos kong magbihis, tumayo na rin ako sa tapat ng full size mirror at doon sinuklay ko ang aking buhok. Hindi lamang ang mukha ko ang malungkot habang nakatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Even my eyes. It was full of sorrow. Full of fear. But I can’t do anything about it. I have accepted to myself that this is really my destiny... sa mga kamay ni Hideo. Kaysa naman mapahamak pa ang mga mahal ko sa buhay. I would rather be hurt than they are.

Muli akong bumuntong-hininga ng malalim pagkuwa’y ipinikit ng mariin ang aking mga mata nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit sa sulok niyon. God, I was tired of crying!

Dahil wala naman akong mga gamit dito, tanging suklay na lamang sa buhok ko ang ginawa ko. Pagkatapos ay lumabas na rin ako sa kuwarto. Pagkababa ko sa sala, naroon si Hideo at may kausap na naman sa cellphone nito.

“Dile al Sr. Massimo que yo mismo iré a verlo la semana que viene. Así que no tenía ninguna razón para no hablarme correctamente.”

Dinig kong sabi niya sa kausap sa kabilang linya. Mukhang galit na naman siya. Well, kailan ba hindi siya nagalit? He’s always like that.

Nang makita niya akong nakatayo na sa ibaba ng hagdan, kaagad niyang pinatay ang tawag at naglakad palapit sa ’kin. Sinuyod pa niya ng tingin ang kabuuan ko.

Sa klase ng titig niya sa ’kin, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang. Pagkailang nga ba o kilabot? Parang iba kasi ang nakikita ko sa mga mata niya sa mga sandaling ito. Lalo na nang mapatitig siya sa dibdib ko. Kaagad kong itinaas ang mga kamay ko at niyakap ang sarili para takpan ang parteng iyon ng katawan ko.

“Let’s go!” aniya at kaagad na hinawakan ang aking kamay.

Walang imik na napasunod na lamang ako sa kaniya hanggang sa makalabas na kami ng bahay niya. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero kitang-kita ko ang magandang view ng sun rise sa dulo ng dagat. Dahil doon, kahit papaano ay napangiti ako.

Nang igala ko ang aking paningin sa buong paligid, wala akong makita ni isang tauhan niya hindi kagaya kahapon. Siguro ay umalis na ang mga ito at kami na lamang dalawa ang naiwan sa isla.

“Hurry up, Ysolde!”

Napatingin ako sa kaniya nang mas lalo pa niyang hinila ang kamay ko.

Hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng helicopter niya. May kaba man dahil muli akong sasakyan doon, pero hindi na kagaya kahapon. Binuksan niya ang pinto sa unahan. Nagtataka pa akong napatingin sa kaniya.

“Go on!” sabi niya habang seryosong nakatingin sa ’kin.

Wala na akong nagawa kun’di ang sumakay nga. Siya naman ay umikot na rin sa kabila at sumakay na rin. What? Siya ang pilot ngayon? Marunong siyang magpalipad nito?

Walang salita na dumukwang siya palapit sa ’kin. Akala ko pa kung ano ang gagawin niya... kinuha lang pala ang seatbelt na nasa tabi ko. Siya mismo ang nagsuot niyon sa ’kin.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon