Chapter 02

29 3 0
                                    

Ignore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ignore

Pansinin si Shone. Iyon ang napansin ko sa loob ng ilang buwan naming magkasama sa isang silid. Kahit na madalas ay tahimik lang din siya sa isang sulok ay hindi maipagkakailang madaming lumalapit dito. Lalo na mga babae.

Hindi ko rin naman kasi sila masisisi. I am well aware that the very Shone Pachero has his looks. Hindi patapon ang itsura niya at sobrang puti pa. Akala mong pinalaki sa loob ng ice rink o sa malamig na klima dahil sa puti.

"Bebs, madaming pogi doon sa room niyo ah. Doon sa amin tatlo lang," Ishi said whilst we were talking over lunch.

"Cute ni Siomez gagi. Never failing to give off that cool vibe."

"I didn't expect na magkakaibigan pala si Yuno Siomez, Seonmiel, at Shone mo, Aer."

Muntik pa akong mabilaukan nang sabihan niyang akin si Shone. Shone ko... namin kasi magkaklase kami.

"What the f ka? Puro I didn't expect lang naman sinasabi mo. Lahat naman 'di mo ineexpect. Bangasan kita d'yan eh," sabi ko rito at pabirong tinutok sa kaniya ang aking kutsara.

"Ooh, violent. I like it," ani Ian, ginagaya si Daniel Padilla.

"Let's stop talking about them nga," pigil ko sa kanila dahil tuwing nagkakasama kami ay halos puro sila Shone na lang naman ang pinag-uusapan.

I get it na pogi at maputi iyong si Shone pati ang mga tropa nito, but the thing is kailangang pa bang pag-usapan?

"Ito naman. Dati g na g ka naman pag pinag-uusapan natin 'yung mga igop out there, ah. Bakit ang chilly ng vibe mo ngayon?"

"Puro sila na lang kasi. Baka mamaya may makarinig sa atin tapos akalain na may gusto ako ron kay Pachero. Like, naur." Umikot ang aking mata matapos sabihin iyon. Sakto namang napunta sa entrance ng cafeteria nagawi ang mata ko at nakita ko sila Shone kasama ang tropa niya.

Anim silang pumasok sa loob. 'yung tropahan nila Shone, walang patapon, lahat may sinasabi ang mukha. Lahat pwedeng ipanlaban at gawing model. Kasama niya 'yung dalawang junior high school na kaibigan niya at 'yung isang grade 12 na. Actually, that Esean looks hella attractive but he is giving the cold type. Ganoon pa naman ang tipo ng mga babae kaya 'di ako magtataka kung tatawagin siyang campus crush.

"Ganda siguro kung mapangingiti mo 'yung masungit na 'yun," ani Ian habang nginunguso si Esean. She's right. Siguro ang sarap sa feeling na alam mo sa sarili mo na napapangiti mo ang lalaking tahimik lang sa gilid na mukhang sinusungitan ang lahat ng tao.

"'Yung tipong sa'yo lang siya dadaldal," dagdag naman ni Ishi.

"Dream on siguro tayo, mga dai," sabi ko naman dahil sa mukha ni Esean na 'yun mukhang hindi niya man lang kami titignan.

We went quiet when they walked past us. Mahirap na, baka malaman nila na inaadmire namin 'yung good looks nilang magt-tropa.

"Ishi, Ian! Enjoy your meals," bati nung isa sa dalawa kong kaibigan. Sa pagkakaalam ko ay iyon si Yuno. May malawak na ngiti siyang nakaplaster sa kaniyang mukha. Gagi, ganda ng ngiti. "Ikaw rin, Aera," bati rin nito sa akin kaya agad ko siyang nginitian pabalik.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon