Chapter 21: I'm sorry

5 0 0
                                    

Daven's POV

Nagpedal nang nagpedal hanggang sa makarating ako sa park kung saan kami nagkita kanina ni Ayana.

Balak ko pa sanang sundan kung saan sila susunod na pupunta, kaya nga lang ay naisip ko na mukha namang mapagkakatiwalaan ang Eric na 'yon.

"Hay!" Buntonghininga ko kasabay ng pag-upo ko sa isa sa mga bench sa park.

Hindi na talaga ako makatulog kanina at hindi ko rin alam kung bakit. Ang weird nga eh, antukin kasi talaga akong tao at laging dire-diretso ang tulog ko sa gabi, tapos ngayon bigla na lang akong magigising at maiisipan kong lumabas at magbike para magpahangin?

"Makauwi na nga!" wika ko at agad na tumayo nang mapansin kong alas tres na pala ng madaling araw.

Gusto ko pa sanang umupo upo pa sa bench dito kaya nga lang ay anong oras na at naisip ko na baka mamaya ay hindi pa ako magising sa umaga at ang malala nito ay baka hindi ako makapagfocus sa trabaho kung hindi ako magkakaroon ng sapat na tulog.

"Sapat na tulog daw, sirang sira na nga ang tulog ko ngayon eh," natatawa kong wika sa aking sarili.

Habang sumasakay ako sa aking bike ay nahagip ng aking mata ang paper bag na naglalaman ng binili ko kanina sa convenience store.

Ano pa nga ba ang binili ko kanina kung hindi ang nag-iisang pack ng napkin na hindi ko naman sinasadyang hawakan.

"Nagastusan pa tuloy ako." Napailing na lamang ako sa aking sarili at nagsimula nang magpedal.

Ang sariwang hangin ang sumalubong sa akin sa bawat pagpedal ko sa aking bisikleta. Hindi ko rin tuloy naiwasan na maalala ang mga araw kung saan sabay kaming nagbi-bike ni Ayana tuwing umaga. Madalas nga ay nagkakarerahan pa kaming dalawa eh at ang mga panahon din na 'yon ang isa sa pinakamasaya at memorable na experience naming dalawa, 'yon kasi 'yong tipong naging masaya kami sa isnag simpleng bagay dahil ginawa namin 'yon ng magkasama.

"Nakakamiss naman," bulong ko at mas binilisan pa ang pagpedal sa aking bisikleta.

Naalala ko rin na ako ang nagturo kay Ayana kung papaano magbike noon kahit na ako mismo ay natatakot na magbike sa kalsada, madalas kasi noon sa sa mga park lang ako nagbi-bike kasama ang aking Kuya.

Kung titingnan ko ang noon at ngayon ay masasabi kong napakarami na talagang nagbago.

Noon ay takot akong magbike at makipagsalamuha sa mga kotseng dumadaan sa highway ngunit ngayon ay buong tapang ko na itong nagagawa.

Naging matapang na ako ngayon dahil natuto na ako sa mga pagkakamali at karanasan ko ngayon... sana ay magkaroon din ako ng lakas ng loob na harapin si Ayana at humingi ng kapatawaran sa kaniya.

Binagalan ko na ang akig pagpedal nang matanaw ko na ang aking coffee shop, ngunit nangunot ang aking noo nang mapansin ko ang isang babae na nakatayo sa labas ng coffee shop.

Hindi naman ako nag-isip ng kung ano at inisip ko na lamang na si Tanya ito, kaya nga lang ay bakit nandito na siya eh anong oras pa lang naman?

"Ang aga naman niya yata," natatawa kong sabi.

Hindi ko pa masyadong mamukhaan ang babae mula sa malayo dahil natatakpan ng hood ng kaniyang hoodie ang kaniyang mukha. Nakayuko rin kasi ang babaeng ito kaya hindi ko talaga makikita ang mukha niya.

Pero kung iisipin ko naman kasi, wala naman akong babaeng kakilala na pupunta sa coffee shop ng ganitong oras, kaya malamang ay si Tanya talaga ito.

"Tanya! Ang aga mo naman yata?!" natatawa kong biro sa kaniya kasabay ng paghinto ng aking bike sa kaniyang tapat.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon