Chapter 22: Conscience

8 0 0
                                    

Daven's POV

It's already 4 in the morning, napaaga na rin ako sa pagbubukas sa aking coffee shop dahil dito ko muna pinatuloy si Hazel. Hindi ko pa naman binubuksan ang coffee shop ko para sa publiko dahil maaga pa, binuksan ko lang talaga ito para patuluyin sa loob si Hazel, ang weird naman kasi kung sa apartment ko pa siya dadalhin.

Aaminin ko na galit pa rin ako sa kaniya, ngunit matapos kong makita ang pagsisis sa kaniyang mga mata ay naawa ako kaagad sa kaniya lalo na't dahil lumuhod pa siya sa harapan ko at humingi ng tawad. Isa pa ay hindi naman ako taong may pusong bato para hayaan lang ang isang babae na nalalamig sa labas na tumayo lang doon ng mag-isa.

Madilim pa rin ang paligid kaya hindi talaga maganda kung iiwanan ko lang siya sa labas, baka kung ano pa kasi ang mangyari sa kaniya doon lalo na't babae pa siya. Mamaya ako pa ang sisihin kapag may nangyaring masama sa kaniya.

"Bakit mo ba kasi naisipan na pumunta rito ng ganitong oras?" tanong ko sa kaniya kasabay ng paglapag ko sa lamesa ng isang tasang kape na kakagawa ko lamang. "Alam mo namang delikado ang panahon ngayon tapos lumalabas labas ka pa ng ganoong oras." Naupo naman ako sa upuan na nasa tapat niya.

Bahagya maman siyang napangiti habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata. "Salamat." Humigop siya ng mainit na kape. "Hindi ko na kasi talaga kaya... pinapatay na yata ako ng konsensya ko."

Napailing naman ako. "Pero hindi pa rin talaga maganda na lumalabas ka ng ganoong oras." Pagpupumilit ko. "Anong oras k aba nagpunta rito? Parang kanina ka pa yata nakatayo sa labas eh."

"Kung hindi ako nagkakamali ay nagpunta ako rito kaninang 2 am," sagot niya.

Nangunot ang aking noo at nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa kaniyang sinabi.

2 am?! Sino ba namang matinong tao ang lalabas ng ganoong oras?! I mean unless kailangan talaga, pero parang grabe naman yata 'yon na pupunta siya rito ng 2 am?! Nakakawindang talaga ang ginawa niya!

"2 am?! Ibigsabihin kanina ka pa pala nakatayo sa labas?!" hindi ko makapaniwalang sabi. Tiningnanan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Alam kong malamigin si Hazel ngunit nakasuot lamang siya ng isang manipis na t-shirt at pajama, tingin ko nga ay pantulog niya ito. "Naghintay ka sa labas ng 'yan lang ang suot mo? Malamigin ka 'di ba? Tsaka ang lamig lamig kaya ng simoy ng hangin sa labas!"

Napatawa naman siya. "Sabi ko nga sa'yo hindi ko na kaya, pinapatay na ako ng konsensya ko kaya naisipan kitang puntahan kahit na alam kong delikado."

Hindi talaga ako makapaniwala na ang Hazel na nakilala ko noon ang nasa aking harapan ngayon. Malayong malayo na talaga siya mula sa dati niyang sarili. Bukod sa pumayat siya ng husto ay nagbago na rin pati ang kaniyang ugali, hindi ko nga rin talaga inaasahan na luluhod siya kanina sa aking harapan upang humingi ng tawad.

"Lagi na lang akong hinahabol ng konsensya ko, Daven, binabagabag na ako nito lalo na't tuwing matutulog ako sa gabi," maluha luha niyang wika. "Ang tanga ko, sobra. I regret everything, Daven... I regret them so bad." Tumingin siya sa aking mga mata at doon na nagsimulang pumatak ang kaniyang luha na kanina niya pa pinipigilan.

"Lahat naman tayo ay may pinagsisisihan sa ating buhay," wika ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi talaga ako sanay na ganoon ang mga mata niya, napakatapang kasi talaga dati ng mga mata niya at kailan man ay hindi ko ito nakitaan ng kahit ano mang bahid ng takot, pangamba, at pagsisis... ibang iba na talaga ngayon ang mga bagay-bagay, sadyang napakarami na rin talagang nagbago.

"What's your greatest regret, Daven?" she asked.

Her question made me stop for a while.

Hindi ako natigilan dahil kailangan ko pang mag-isip ng sagot sa kaniyang tanong, natigilan ako dahil hindi ko inaasahan na itatanong niya pa ang ganoong klaseng bagay.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon