57.

30 4 0
                                    

Calvin's POV

NAPATINGALA ako sa kalangitan nang magsimula itong mag-ingay. I was astonished to see how dark the sky is. Ang kaninang puno ng bituin na kalangitan ay nababalot ngayon ng makakapal na ulap. Gumuguhit din ang kakaibang kidlat sa kalangitan.

I've seen this before. Ito ang thunderstorm na nakita ko noong umuwi ako sa manor. 

"May bagyo ba?" narinig kong tanong ni Dylan. He's now getting out of the tent.

"I'm not sure," mababa kong tugon.

"That doesn't look like a normal thunderstorm," wika naman ni Xavier.

Masama ang kutob ko. Tama si Xavier, sa hitsura ng kalangitan ay hindi malabong isang gifted na naman ang nagta-tantrums!

"We need to go," wika ko. Nagsimula na din akong ibalik sa bag ang mga gamit namin.

"Teka, akala ko ba dito na tayo magpapalipas ng gabi?" awat ni Dylan.

Hindi ko sya pinansin. I suddenly have this weird feeling. For unknown reason, Zed came up in my mind.

"Seryoso ka talaga?" tanong muli ni Dylan.

"Sumunod ka na lang Dylan," wika naman ni Xavier na ngayon ay tumutulong na din sa akin ayusin ang mga gamit namin.

         

  

  

   

   

   

   

   

   

    

    

    

    

    

    

Trevor's POV

NAPANGITI ako nang makita ang pagwawala na naman ng kalangitan. I bet Calvin is also seeing this weird phenomenon. 

"Whoever this guy, he surely knows how to manipulate the heaven," natatawa kong bulong.

Isinara ko na lang ang bintana saka naglakad pabalik sa aking kama. Muli kasing sumagi sa isip ko ang naging usapan namin ni Calvin. The last time we saw this happen, a blood moon appeared. But now, a mix of black and violet thunder is at roar.

"Black thunder eh?" napapaisip pa din na nahiga ako. May lightning mage ba na kayang maglabas ng ganoong kulay ng kidlat? Kung meron man, wala pa akong narinig na ganoon.

I then heard a loud knock. Tinatamad na bumangon ako para pagbuksan kung sino man iyon.

"Dad?" nagtataka kong tanong nang mabungaran sya.

"Come with me."

"Ha?"

"Our team is being dispatched to North Alegria. I'm afraid that your cousin is also being sent there. So I need you to come with me so that you can look after Calvin."

"Wait, is this still about the ongoing war between Light Vatican and—"

"Yes. This is your chance to show me if you really are capable of being part of the ministry."

Natawa naman ako tinuran ni Dad. Instead of answering, I just turned my back and stretched my body. Ah! This is the real deal! I'll be facing some serious shit and dad allowed me, finally!

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon