Ayana's POV
"Ate! Bangon na! Nagagalit na si Mama!"
'Yan ang unang unang bumungad sa aking umaga.
"Five minutes na lang," inaantok ko pang sabi at nagtalukbong ng kumot.
"Ate naman! Alam ko na 'yang five minutes na 'yan eh!" inis namang wika ni Nalin at hinatak ang aking kumot. Naramdaman ko rin ang pag-upo niya sa dulo ng aking kama. "Ayokong madamay sag alit ni Mama! Sige na, Ate! Bangon na!"
Inis naman akong umayos ng higa at pinangtakip sa aking mukha ang unan na kanina'y dinadantayan ko.
"Five minutes nga lang sabi eh!" inis kong wika at bahagya siyang sinipa. "Inaantok pa nga kasi ako eh!"
"Ah gano'n?!"
Natahimik na ang kapaligiran matapos niyang sabihin 'yon kaya ang akala ko ay hahayan niya na akong matulog, pero akala ko lang pala ang lahat.
"Aray!" malakas akong napasigaw nang mahulog ako sa kama dahil sa biglaang paghatak ni Nalin sa aking paa. At dahil din sa ginawa niya ay biglang nagising ang diwa ko.
Nice one, Nalin, effective naman ang ginawa mo, malalagot ka nga lang sa akin.
"Oh 'di ba nagising ka!" tumatawa niyang sabi na akala mo naman ay may nakakatawa sa kaniyang ginawa.
"Nalin naman eh!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kainis ka talaga!"
Hindi naman siya kumibo at tumawa lang nang tumawa.
"Ang sarap mo talagang bugbugin!" galit na galit kong sigaw.
"Deserve!" mapang-asar niyang sabi.
"Ah gano'n?!"
Akma sana akong tatayo para gantihan siya ngunit agad din naman akong napaupo nang makaramdam ako ng sakit sa aking balakang.
"Bahala ka na sa buhay mo, Ate!" tumatawa niyang pang-aasar sa akin at naglakad na papalabas sa aking kuwarto.
Bago pa man siya makalabas ay kinuha ko ang pinakamalapit na unan sa akin at binato ito papunta sa kaniya ngunit nabigo naman akong tamaan siya dahil agad niyang isinara ang pinto kaya sa pinto lang tumama ang unan.
"Bwiset!" sigaw ko.
Hay! Minsan talaga naiinis ako na may kapatid ako eh, minsan naman grateful ako.
"Kainis ka talaga, Nalin!" inis kong bulong sa aking sarili at inalalayan ang sarili sa pagtayo.
Medyo malakas din ang pagkakabagsak ko mula sa kama kaya sumakit ang balakang ko ngunit mabuti na lamang ay nakayanan ko pang tumayo.
Niligpit ko na muna ang aking higaan bago ako kumuha ng mga damit sa aking cabinet at pumunta na sa banyo upang maligo.
Binilisan ko lamang ang aking pagligo dahil nakaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam.
Nang matapos na akong maligo ay agad na akong nagbihis, kinuha ko na rin ang pabangong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpadala.
"Ang bango talaga kahit mahal!" wika ko matapos kong mag-spray ng kai=unti nito sa aking katawan.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking kuwarto, ngunit bago pa ako tuluyang makalabas dito ay agad akong napahawak sa pintuan dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
"Hay, puyat pa," bulong ko sa aking sarili.
Hindi naman nagtagal ang aking pagkahilo kaya naman pumunta na ako sa aming sala nang marinig ko sila na masayang nagkukwentuhan dito.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
Roman d'amourSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...