Chapter 2: Ang Simula

9 0 0
                                    

Nakangiti ako buong mag- hapon, dahil maliban sa excited ako, alam kong marami ulit akong matututunan sa susunod na mga araw. Nakipag-kilala ako sa mga iba pang delegado, alam na friendly ang ate lol! nakakatuwa naman kasi talagang makipag-kaibigan lalo na sa mga bata, anjan yung maririnig mo na may crush na sila kinabukasan. Pero sa'kin, falling in-love is not right lalo na sa ganitong sitwasyon dahil maliban sa uuwi rin kami pag-ka-tapos ng dalawang linggo, alam kong panandaliang saya lamang ito.

"Hello ate, paano ba yan solo-solo tayo," Tumatawang ani ni Irish, isa sa mga ading ko mula pa noon. Tama siya solo-solo ngang talaga, mag-isa niyang senior ngayong taon at ako naman nag-iisang junior rin. Samantalang ang mga freshmen,  ayon 42 sila. Ngunit ganoon pa man, hindi ko maipagkaka-ila na natutuwa ako sa kanilang bilang, sana lang matapos nila ang kanilang pagiging SCYD'ian.

"Hello mga anak!" Pabirong bati ko sa mga kasamahan namin sa aming quarter na ikinatuwa naman nila. Sa simpleng ngiti lang nila natutuwa na ako. Hindi ko alam pero ako talaga yung tipo ng tao na mas iniisip ko yung iba kesa sa sarili ko, selfless? Pwede kasi minsan mas vinavalidate ko yung damdamin ng iba.

"Hello nanay, pahinging tinapay," Pabirong bawi naman ni Thea, nakita ata nila ang pandesal na mula pa sa Nueva Vizcaya. Total nakaka-gutom namang talaga kaya binigay na namin sakanila, sharing is caring? Share your blessings as long as meron kang maibibigay. Magdamot ka kung walang-wala ka ng talaga pero kung mayroon ka namang extra then at least share it to others lalo na kung nangangailangan talaga. 

"Call time 7:00 p.m. five minutes bago mag 7 dapat nasa church na tayo." ani ng isang delegado. 

Time to freshen up kaso dahil sa ang dami pang tao sa mga banyo napagdesisyunan nalang namin ni Irish na pagka-tapos nalang ng night activity kami mag shoshower. 

"Ate, tara na!" aya na ng iba pa naming kasamahan at dahil nga sa napaka-hyper ko rinig na rinig ang tuwa sa boses ko.

Nung oras na iyon nasabi kong ang saya kapag ang Diyos na ang gumalaw. Totoong masaya ako at dahil masaya ako hinanap ko ang buwan. At ng makita ko ito, napangiti nalang ako at nasabing,

'Salamat, kahit saglit lang to masaya ako kasi nagawa ko ulit ngumiti at tumawa.'

"Ate Luna! halika na, shower na tayo haha. Ang baho na natin!" Masayang aya ni Irish pero dahil abnormal ako sinagot ko siya ng pabalang,

"Halla ikaw lang ah nandamay ka pa!" Natatawang saad ko na ikinahagalpak naman niya, napailing nalang ako ng mapagtanto kung gaano kababaw ang kaligayahan niya.

"Tara na nga!" Tumatawa kami habang kumukuha ng damit, simpleng pantulog lang meron ako pajama at t-shirt lang sapat na. Hindi naman kasi ako mapili sa damit kung anong nahablot ko iyon na. 

Pagka-tapos mag shower, nag-basa-basa na din ako para sa entrance exam ko sa August 9, ilang araw nalang kaya kinakabahan ako dahil maliban sa wala akong alam sa content ng exam hindi ko rin alam kung paano ako uuwi.

"Ate, pahingi kami ng pandesal," Nahihiya at natatawang sabi ni Thea. Hindi ko mapigilang matawa!

"Bakit gutom ang mga anak ko?" Kunwaring naaawang tanong ko pero halata naman na nagugutom ang lahat. Total madami pa naman ang tinapay, ibinigay ko na sakanila kesa naman masayang. Muli kong nasilayan ang tuwa sa mga labi at mga mata nila, nakaka-taba ng puso ang masaksihan ang ganitong sitwasyon. 

Selfless, ganon ako ilarawan ng mga kaibigan ko may minsan pa ngang pinagalitan nila ako dahil hindi ako lumaban kahit na nasa tama naman ako. Wala eh ganon ata talaga ako, nasasaktan pero mas pinipiling magpatawad. Yung ayos lang kahit wala ng matira sa'kin basta makita ko lang silang masaya.

"Tulog na guys, ang mga cellphone niyo 'wag niyong ilagay sa ilalim ng mga unan niyo." Muling paalala ko, sabi kasi iyon sa'kin ni mama shinare ko lang mabuti ng maingat no!

'Lights off'

Eto na naman, kailangan ko na namang yumakap sa unan ko at hayaang tumulo ang mga luha ko, hindi ko alam kung saan ito nag-mu-mula ang alam ko lang ang sakit ng puso ko. Ayokong isipin dahil pag-inisip ko malulunod ang sarili ko na maghahatid sa akin sa hindi magandang pangyayare, kailangan kong controlin ang emosyon ko at ang pag-iyak ng taimtim ang tanging magagawa ko hanggang sa makatulog ako.

'My only way to escape the pain is to fall asleep as fast as I can.'

Kinabukasan maaga kaming nagising para sa morning devotion. Pinilit ko ulit ngumiti para hindi mag-alala ang iba. 

' Morning Devotion, ngayon ko lang ulit to mararanasan. ' 

Nakaramdam ako ng onting sakit  sa puso ko hindi ko pinansin iyon kaya pasimple nalang akong kumuha ng tubig, kailangan kong kumalma. Scattered thoughts in the morning. Fake smile? ayos lang yon ang importante sinusubukan ko.

Sinusubukan kong maging open sa iba, kailangan kong subukan kasi walang mangyayare kung hindi ko tutulungan ang sarili ko. 

'Hingang malalim Luna, hingang malalim.'

Ganoon nga ang ginawa ko atsaka ako ngumiti, pagka-tapos non humarap ako sa mga tao at binigyan sila ng good morning hug. Gusto ko lang malaman nila na andito ako para sakanila kung iniisip nila na mag-isa sila. 

Andito ako para sa lahat masakit man pero alam ko na wala sila kung ako naman ang mangangailan ng masasandalan. Hindi ko alam pero kaya kong basahin ang takbo ng isip ng isang tao, nababasa ko din kung masaya ba silang talaga o hindi.

"Mag-salok ka nga ng tubig ading ko," At sa oras na yon muli kong nakita ang mga matang pagod na pagod. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na manatili ako.

' Saan ko ba siya nakita? '

Kilala ko siya pero hindi ko mabigkas ang pangalan niya, hindi ko alam! ang alam ko lang alumni namin siya at kuya ko siya. 

I gave him a side gaze bago ako umalis sa kinatatayuan ko.

'Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya pero alam kong kailangan niya ng makikinig sakanya.'

Mga matang malungkot, mga mapapait na ngiti. 

' Anong nangyare sayo? '

Ayokong isipin ngunit kada pipikit ako, ang mga matang iyon ang nakikita ko.

' Lord, ano 'to? anong plano mo? '

----------------------------------------------------

Hello! so simula na nga, I wonder ano kaya ang mangyayare sa susunod na kabanata?

Stay with me stars until this story end! Love you <3

~Luna <3

One Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon