Prologue
Blog #1
Hey, this is Anjelou Smith and welcome to my Blog. I know some of you are confused why I'm writing this but I just wanna share my life with you guys. I'm 18, an Education student from Saint Joseph University. Alam kong karamihan sainyo ay kilala ako dahil binansagang "Nerdy Girl" ako sa Campus hindi ba? well, for me okay lang dahil hindi ko naman kinakahiya yun dahil grateful ako dahil binigyan ako ng katalinuhan ni Lord hahaha. btw are you guys excited kasi pasukan nanaman? for sure hindi. Another year another sem nanaman. Well goodluck saatin mga seniors, dalawang sem nalang at ggraduate na tayo. Konting tiis nalang mga bes at mararating din natin ang ating mga hangarin sa buhay. See you tomorrow guys have a goodnight!
In-off ko na yung laptop at inayos ko na yung mga gamit ko para sa mga dadalhin ko sa campus bukas. hays panibagong araw nanaman bukas, sana naman maging maganda ang first day ko bukas.
nag lakad nako papuntang kama at nahiga na at nag cellphone. chineck ko yung post ko sa blog ko at tinignan kung may mga nag comment na. Una kong nakitang nag comment ang bestfriend ko na si Isa.
"hey gorl welcome sa blog world hahaha buti sinubukan mo na din mag sulat dito, kita kits nalang bukas imissyouu." -Isa
Agad kong ni like yung comment nya at tumingin pa ng ibang comments. napakunot ang noo ko at nakita ang iba sa mga nag comment sa unang post ko.
"nerdy girl? hahaha girl kaya ka binansagang nerdy girl kasi isa kang pangit na babae like hello yung pananamit mo pang 2000's outfit at masyado kang pabibo sa classroom."-unkown
"bakit ba kasi sa SJU ka pa nag enroll, duh mga mayayaman lang ang may karapatang na mag-aral dito no, you're not belong here girl."-unkown
"get lost girl, we don't care about your life." -unkown
"Paano ka napabilang sa dean's lister? siguro inaakit mo yung ibang mga prof no you slutty bxch." -unkown
Sino naman kaya tong nambabash nanaman saakin. Well wala naman palang bago, madami din galit saakin sa campus, paanong gagawin ko kung lagi akong sumasagot sa recitation at natutuwa saakin yung mga prof? pfft teka ba't ba pinapansin ko pa to.
Biglang may nag notif saakin at nakita ko yung chat saakin ni Isa sa kakao.
"Oy girl nakita ko yung ibang comments sa blog mo ha, hay nako hindi ka ba nila tatantanan? lahat nalang papansinin nila sayo tapos ang duwag pa gumagamit pa sila ng dummy account para lang ibash ka nanggigigil ako ha." sabi ni Isa. natawa naman ako kasi sya lang yung pumapatol sa mga ganon naming classmates.
"Okay lang yun ano ka ba, parang hindi ka pa nasanay atleast nag effort pa sila gumawa ng dummy para lang mang inis ng tao hahaha matutulog na ako see you bukas." respond ko sakanya.
pinatay ko na yung phone at umayos na para matulog. napatulala ako saglit at inaalala ang mga nangyari sa buhay ko. konting tiis nalang Lu, konting tiis nalang. sabi ko sa isipan ko at tuluyan na akong nakatulog.
5:30 am na nang nag alarm ang phone ko. bumangon na ako at nagsimula nang mag ayos ng sarili. kailangan 6:00 am maka alis na ako sa bahay dahil isang oras ang aking byahe sa bus. may pagka malayo nga yung campus namin sa nirerentahan kong bahay. syempre pag mas malayo, mas mababa ang renta.
nakapag ayos na ako ng sarili, pinusod ko ang aking buhok, suot ang aking white jeans na midwaist, plain blue shirt, doll shoes, tote bag at syempre, ang aking mahiwagang salamin na nasa 350 ang grado.
pagkatapos ko mag ayos ay umalis na agad ako sa bahay. naglalakad na ako papunta sa waiting shed at nakikita ko na medyo madami din palang nag hihintay ngayon na masasakyan. oo nga pala kasi pasukan nanaman kaya pahirapan na sa pagsakay at sarilihihang diskarte nalang para mauna na makasakay, mahirap nang ma-late first day pa naman.
nakarating na din ako sa waiting shed at sakto na may paparating na bus. dali daling nagsi tayuan ang mga taong naka upo at para silang makikipag karera sa pagtakbo sa mga itsura nila kung mapapansin nyo. may mga tumayo na din sa harapan ko at parang napupunta na ako sa dulo, at nang huminto na ang bus agad itong bumukas at nagsimula nang magsi puntahan ang mga tao duon. ako naman na parang nasa sardinas na naiipit na sa mga tao sa paligid ko na mas matatangkad saakin. sinubukan ko din makipagsiksikan at nang makakapasok na ako, agad na may pumasok sa pintuan kaya napa upo ako sa sahig. anak ng tokwa naman sino ba tong kupal na to?! sabi ko sa isip ko. agad namang nag sarado ang pinto ng bus at agad agad kong pinigilan iyon.
"Manong sandali!!!" sabi ko
"Pasensya na miss punuan na mag hintay nalang kayo sa susunod na paparating." saad ni kuya kunduktor at tuluyan na nilang pinaandar ang bus.
"nakakainis!!! sino bang kupal na sumakay na yon? edi sana naka sakay na ako sa bus kung hindi sya umepal no." sabi ko sa isipan ko at nabadtrip na talaga ako sabay upo sa waiting shed.
"hindi ba't si Gelo iyon?" sabi ng babae sa tabi ko na nakikipag usap sa kanyang kasama.
"oo hindi tayo nagkakamali at si Gelo nga iyon ang ating campus crush!!" kinikilig naman na sabi ng isang babae
"teka nakapag tataka lang, bakit sya nag commute ngayon? hindi ba't may sarili naman syang sasakyan?" sabi ulit ng babae na katabi ko. napa kibit-balikat naman ang kasama nya.
so sya ang may dahilan kaya hindi ako naka sakay agad, nakakainis talaga. wala na akong magagawa kundi mag hintay nalang ng paparating na bus.
————————————-
[Author's Note:] THIS IS A REVISED COMPARE SA LUMANG VERSION, HOPE YOU GUYS WILL ENJOY THIS STORY! :)
BINABASA MO ANG
Nerdy Girl Meets The Campus Crush [REVISED]
Teen FictionHello again guys. Jejedays pako nung ginawa ko yung story na to. >.< ngayon ko lang na realize yung mga pinag sususulat ko dito. HAHAHAHAHAHA She was tagged as Nerdy Girl sa kanilang Campus dahil sa suot nyang malaking salamin,sa suot nyang damit at...