Chapter 24: No explanation needed

3 0 0
                                    

Ayana's POV

"Sigurado ka bang kaya mo pa, Ate?" tanong sa akin ni Nalin.

Natapos na ang drama moment ko at nagpatuloy na ako sa pagtulong kayna Mama, noong una nga ay sinasabihan nila akong magpahinga muna at baka hindi pa raw ayos ang aking pakiramdam ngunit nagpumilit ako na ayos lang ako at kaya ko pa naman.

"Oo naman, nandiyan naman kayo lagi sa tabi ko eh," sagot ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Sinuklian niya rin ang aking ngiti ng isang ngiti.

Agad namang naglaho ang aking ngiti nang may bigla akong maalala. "Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo sa akin kanina." Sinamaan ko siya ng tingin. "Hinding hindi ko makakalimutan 'yon. Nalin."

Naglaho rin ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ng takot ang kaniyang mga mata na kanina'y punong puno ng saya.

Aba dapat lang na matakot siya sa akin!

"Ate naman eh!"

Magsasalita pa sana ako kaya nga lang ay biglang nagsalita si Mama mula sa kusina.

"Kakain na! Mamaya na 'yan!"

Napansin ko namang nakuha ng sigaw ni Mama ang atensyon ni Nalin, kaya naman naisipan ko siyang kurutin sa kaniyang braso habang hindi pa siya nakatingin.

"Aray!" inda niya at gaganti rin sana siya sa akin. Mabuti na nga lang talaga ay mabilis akong kumilos kaya agad akong nakatayo bago pa man niya ako kurutin. "Ma! Si Ate oh!" sumbong niya.

"Bleh! Deserve!" Nilabas ko ang aking dila at gumawa ng mga nakakainis na mukha upang mas lalo pa siyang inisin.

Akala niya siguro hindi ako gaganti sa kanitya! Aba! Akala niya lang 'yon!

"Hoy! Mamaya na kayo mag-away diyan! Kakain na tayo!" muling sigaw ni Mama.

Pupunta na sana ako sa kusina nang bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng aking cell phone mula sa aking bulsa.

Kinuha ko naman ito mula sa aking bulsa at nakita ko na tumatawag pala sa akin si Rose.

"Ma! Wait lang po ah! Tumawag si Rose!" sigaw ko bago lumabas ng bahay.

Medyo mahina ang signal sa loob ng bahay namin kaya lumalabas talaga ako minsan kapag may tumatawag sa akin, mahirap na, baka mamaya importante 'yong tawag tapos putol-putol 'yong nariring ko.

"Hello?" bungad k okay Rose.

"Ayana, pumunta ka na rito," wika niya na may bakas ng pangamba at pagkataranta.

Nangunot naman ang aking noo. "Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Pumunta na raw ako roon? So it means nandoon na siya sa flower shop? Mukhang maaga niya yata binuksan ang flower shop ngayon ah? "Ang aga mo naman yata diyan?" natatawa kong biro sa kaniya.

"Eh kasi ano–"

"Ate Ayana! Pumunta ka na rito! Please lang!" biglang sigaw ni Marco mula sa kabilang linya na siya namang ikinagulat ko. Nailayo ko tuloy bigla ang aking cell phone mula sa tenga ko.

"Ano ba kasi ang mayroon? May masama bang nangyari sa flower shop? Nanakawan ba tayo? Nalanta ba bigla lahat ng mga bulaklak?" sunod-sunod kong tanong.

Hindi ko na rin tuloy maiwasan ang mataranta, natataranta na rin kasi silang dalawa eh, tsaka ang tagal pa bago nila sabihin kung ano ba ang nangyari sa flower shop.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Rose mula sa kabilang linya. "Basta pumunta ka na rito."

Ano ba naman 'yan! Bakit ba kasi ayaw nila sabihin sa akin kung ano ang nangyayari doon?

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon