MORRIS POV:
"Ipapa ayos ko na ang ang mga gamit ng mommy mo" rinig kong usapan nila daddy at Skyler.
"I think ako na lang" Skyler said kaya naisipan kong ako na lang kaya ang mag presintang mag asikaso ng gamit ni mommy,I know my wife is tired,marami siyang inaasikaso ngayon.
Kaya lumapit ako sa kanila "uhmm dad,Skyler...if it's okay kung ako na lang ang mag aasikaso sa mga gamit ni mommy tutal wala rin naman akong ginagawa" I said.
"Mi you need rest,you don't have to do that okay,I can take care of everything" pagtutol ni Skyler.
"No it's okay,gusto ko lang din may magawa" I said at ngumiti sa kanya.
"Skyler hayaan mo na siya,gusto lang din malibang ng asawa mo" daddy said kaya napalingon sa kanya si Skyler at parang nag aalangan pang umoo.
"Cial pleeeease" pamimilit ko,kaya na pa buntong hininga na lang siya at wala ng ibang nagawa kung hindi sumang-ayon.
"Fine,basta wag kang masyadong mag papaka pagod ha" she said,agad naman akong tumango at agad na binigyan siya ng mumunting halik sa labi.
"Thank you Cial you're the best.....so I have to go para maaga akong matapos" I said.
"Ingat ka I love you" Skyler said at dinaplisan ako ng halik sa noo.
"Yes,I love you" I said.
"Take care" daddy said.
"Thank you po" I said at nginitian siya bago umalis.
Pag labas ko ay agad kong hinanap si Patricia para tulungan ako sa pag aasikaso ng gamit ni mommy,and there she is nasa parking lot naka sandal sa sasakyan niya habang naninigarilyo,so I automatically rolled my habang papalapit sa kanya.
"Di mo parin talaga kayang itigil yang paninigarilyo mo no" mataray na sabi ko sa kanya kaya agad niyang itinapon sa sahig ang sigarilyo niya at tinapakan.
"I'm just exhausted okay,minsan lang naman" she said kaya na pa buntong hininga na lang ako.
"Tara tulungan mo kong mag asikaso ng mga gamit ni Mommy" I said at binuksan ang pinto ng sasakyan niya.
"Why?"
"Anong why?,maglilinis ako ng kwarto niya at tutulungan mo ko kaya let's go" I said at tuluyan ng pumasok sa sasakyan niya.
Wala na siyang ibang nagawa kung hindi sundin na lang ako at bumyahe na papuntang mansion.
Habang nag aayos kami ng mga gamit ni mommy sa kwarto niya ay napansin kong parang wala man lang silang kahit ni isang picture nila daddy na mag kasama at hiwalay na din sila ng kwarto.
"Morris" pagtawag sa akin ni Patricia kaya agad akong na pa lingon sa kanya at nakita kong naka luhod siya habang naka tingin sa ilalim ng kama kaya na pa tingin din ako duon at may nakita akong isang malaking puting kahon.
"What's that?"
"Hindi natin malalaman kung hindi natin titignan" she said at hinatak palabas sa ilalim ng kama ang kahon.
Paglabas nito ay puro na ito alikabok na tila matagal ng hindi nabubuksan,out of my curiosity ay binuksan ko yun at bumungad sa akin ang isang itim na wedding gown.
"Wow" Patricia mumble dahil sa ganda ng gown,dahil sa sobrang pagka mangha ko ay iniangat ko ang wedding gown para mas makita ko ito na maigi.
"Mo-morris,wa-what the fuck is this?" Patricia said kaya agad akong na pa tingin sa kanya,naka tingin siya sa kahon na tila naka kita ng multo.
Agad akong na pa tingin doon at ngayon ko lang napansin ang pagbagsak ng ibat-ibang mga litrato sa wedding gown,pinag masdan ko itong maigi at.......
Mga litrato ni Skyler na......
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita ko ang mga litrato na yun,ibat-ibang litrato ni Skyler habang pumapatay,ibat-ibang tao....
"Charlie....." I whisper nang kuhanin ko ang isang litrato nila ni Skyler habang sinasaksak siya ng asawa ko.
Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko dahil sa mga nakita ko,sobrang daming pictures,may Video tapes at may mga letters pa.
"Tama nga ang hinala ko,your wife is a PSYCHOPATH" Patricia said habang ako ay panay ang tingin sa mga litratong bumagsak habang lumuluha.
"This is not my wife" pag kumbinsi ko sa sarili.
"Alam mo, hindi ko na alam kung bulag ka ba o sadyang tanga ka lang!,kita mo naman na yung mga ebidensya diba,nag papanggap lang na mabait sa harapan mo ang asawa mo pero ang totoo nasa loob ang kulo niya" sermon niya sa akin ngunit umiiling-iling lang ako habang umiiyak.
This is not Skyler.......NO...
Hindi ito ang Skyler na pinakasalan ko.....
Why did you do this?.......
Kahit nanginginig ang mga kamay ay kinuha ko ang isang puting sobre at binuksan yun,there was a letter..
'Morris hunny,I know someday makikita mo ito and I hope ikaw nga ang makakita,I just want to say sorry hindi dahil sa mga nagawa ko,kung hindi dahil sa wala akong nagawa para iligtas ka,I'm sorry dahil pinabayaan kitang mapunta sa anak ko dahil akala ko ikaw na ang makakatulong sa kanya para mapigilan ang sakit niya,pero hindi,she become worse,meron siyang psychopathic disorder Morris.
Gusto kong tulungan ang anak ko at alam kong ikaw ang makakatulong sa akin para maitama ang lahat,matagal na akong nag bulag-bulagan kaya sa pagkakataong ito gusto ko ng buksan ang mga mata ko,help me to save my daughter and to save your self,ibinigay ko na lahat ng ebidensyang makakatulong sa inyo sa pinagkakatiwalaan kong abugado,all of this is just a copy.Nakay Atty.Reynaldo Roxas lahat ng original na evidences,hanapin niyo siya for your protection.
Nag mamahal,mommy Esther.'
Halos isang oras akong nag babasa ng mga iniwang mensahe sa akin ni mommy at duon ko natuklasan na may alam si daddy sa mga pinag gagagawa ni Skyler,at tinangka niya ring patayin si Ivory but mommy saved her kaya matagal siyang nawala.
And mommy knows na papatayin na siya ni Skyler,pero tumuloy parin siyang makipag kita sa anak niya.
Napa takip na lang ako ng aking mukha at nag pa tuloy sa pag iyak.
Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.....
Pagbabayaran mo lahat ng ginawa niyo........SKYLER.
![](https://img.wattpad.com/cover/310951634-288-k238846.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PSYCHOPATH WIFE (BOOK I)
Romance(FREE STORY) DARK ROMANCE GENRE Love turns sinister as woman falls for a woman who seems perfect in every way-soft, caring, kind, and beautiful. She is her favorite person, showering her with affection and attention. But her world is shattered when...