59.

29 4 0
                                    

Zed's POV

TATAY ko ba talaga sya? Ibang-iba na sya sa imaheng naiwan sa utak ko. My father is a loving husband and a kind father. Pero halimaw ang nasa harapan ko. Hindi ko akalain na matapos ang ilang taon na hindi kami nagkaharap ay ganito ang magiging pagkikita namin.

I wiped the blood on my lips using the back of my hand while still glaring at him. Lalo akong nainis nang lalo syang ngumiti sa akin. Damn this old man! I want to wipe that smirk off his face!

Natigilan naman ako nang makaramdam ako ng mabigat na aura. Ibinaling ko ang aking mga mata sa entrance ng building na nagsisilbing hide out nila. I then saw a woman—err, man? I don't know anymore!

This person's hair is so long that it almost reach the ground. Nakangiting naglalakad sya palapit sa akin. Muli ay inihanda ko ang aking sarili. 

"My, my," bungad sa akin ng kadarating lang. "Ito ba ang makakatapat ko?"

"Sya nga Muriel," sagot naman ng aking ama na nasa ikalawang palapag. "Do not disappoint me."

Lalong ngumisi naman ang lalaking nagngangalang Muriel. So he's a guy after all. Muntik ko nang mapagkamalan syang babae dahil sa pangangatawan nya.

Nanlilisik na sinulyapan ko naman ang aking tatay. "Is this how you welcome your long lost son? By sending people to kill me?"

Tumawa naman sya. "Come on, you know that you're not the type who'll die easily."

Nagtagis ang mga bagang ko sa sinabi nya. Screw the guy in front of me! I'll attack my dad!

I casted a wind spell and jump as high as I can. Hindi naman nakaligtas sa akin ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Ikaw ang ipinunta ko dito!" sigaw ko. "Harapin mo ako—ugh!"

Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang tanging naramdaman ko ay ang malakas na pagbagsak ko sa mabatong lupa. Bahagya akong napangiwi sa sakit noon. 

"Ako ang kalaban mo, pretty boy," wika ulit ni Muriel.

Nagtayuan naman ang balahibo ko sa sinabi nya. Ano daw?!

"Bibigyan kita ng pagkakataon na pumili," pagpapatuloy nya. "If you value your life, then let's have a date."

My jaw literally dropped. "L-lalaki ka!" hindi ko mapigilang isigaw.

Tumawa naman sya ng malakas. "Ang sakit mo naman magsalita, pretty boy. Hindi ako lalaki! Isa akong dyosa na nagmula sa fairy land."

Para akong masusuka sa naririnig ko. Binalewala ko na lang ang kalokohang sinasabi nya. Buong lakas na muli akong tumayo habang iniinda pa din ang nananakit kong katawan.

"You're beautiful, alam mo ba iyon?" aniya.

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo!"

"Hindi din naman ako nakikipaglokohan," pumipilantik pa ang daliri na hinawi nya ang sariling buhok. "Hindi ko pa nararanasan makipag-date sa mas bata sa akin. I hated that idea! But when I saw you... how gorgeous you are..."

Napayakap naman ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hinuhubaran nya ako gamit lang ang kanyang mata. Damn this lady boy!

"I'd rather kill you," I hissed.

Nawala naman ang ngiti nya. He then crossed his arm on his chest while glaring at me. "Then I'll turn you into one of my collections..."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang nawala sa kinatatayuan nya. Saan sya napunta?!

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon