-CHYLENE HERA
Boung araw yata ay ang inisip ko lang ay ʼyong alok nʼyang date. Bakit kasi ganoʼn ang naisipan nʼyang bayad? Pinalala nʼya lang ang sitwasyon kahit ang simple ng solusyon. Dagdag pa ʼyong advice sa akin ng kaklase kong nerd.
Ang labo talaga.
Pero, kailangan ko makabayad sa kaniya. Hindi kasi ako makatulog kapag may naisip akong utang sa isang tao. Napapailing ako habang nakaupo rito sa deck ko. Tumingin ako sa kabilang deck at nakatingin pala sa akin si new one.
Nakalimutan ko kasi ang pangalan nʼya.
Tinaasan ko sʼya ng kilay and napaiwas naman sʼya ng tingin. Ang bilis umalis ng tingin nʼya sa akin. Natakot siguro kasi nahuli ko sʼyang nakatingin sa akin. “Ghorl, ano nga ʼyong kinuha mong major noong JHS ka?” tanong bigla ni Mandy sa ibaba.
Bakit nʼya naman tinatanong?
“Bakit?”
Naramdaman ko na bigla sʼyang tumayo at humarap kung saan ako nakaupo. “Kailangan ko malaman dahil nga tinatanong ng Management ng Dorm. Ilalagay raw nila roon sa bio data mo,” masungit na sambit ni Mandy.
Ganoʼn ba? Malay ko ba, hindi naman ako na-inform na may ganʼyan pala.
“Cookery,” tipid kong sabi na kinatango nʼya.
Doon kasi sa dati naming paaralan kung saan about trades and arts. Kailangan mo kumuha ng major para ma-train ka sa bawat bagay. Maraming major ang napakaloob sa school na ʼyon tulad ng:
Cookery, as usual tumutukoy ito sa pagluluto. Tuturuan ka nila ng ibaʼt ibang pagluluto tulad ng pastry and breads, ulam, cuisine and etc. Pati nga ang table napkins folding and table skirting. Dahil dito ay marami akong natutuhan sa pagluluto. Ang project nito ay magluluto ka sa isang buwan ay maka-tatlo.
Cosmetology, tumutukoy ito sa pagpaganda at paglilinis. Sila ʼyong gustong matuto sa tamang make-up, manicure, pedicure and hair styling. Sa project nila ay kumukuha sila ng mga students na kung saan i-apply nila ʼyong natutuhan nila.
Garments, ito naman ʼyong medyo mahirap dahil tungkol ito sa pagtatahi, pagbuburda at kung ano pa na may kinalaman sa pagtatahi. Tuturuan ka nila ng tamang pagbuburda, o ibang klase ng burda. Pati na rin ang pagtatahi sa makinarya ay ituturo nila sa iyo. Ang project nila ay kailangan mo makatahi ng uniform or gown.
CHS or Computer Hardware Services, ito naman ʼyong tuturuan ka kung paano mag-assemble ng computer lalo na ʼyong CPU or System Unit. Sila rin ay tuturuan ng ibaʼt ibang paraan kung paano mag-connect sa ibang gadgets.
Automotive, ito ay tumutukoy sa tamang pag-aayos ng sasakyan lalo na ʼyong makina nito. Puwede rin na turuan ka nila kung paano patakbuhin ang specific na sasakyan. Pero, nakadepende pa rin sa kanila kung ano ang ituturo nila.
Electrical, ito naman ay tamang pag-assemble ng wire ng kuryente. Tuturuan ka rin nila kung paano ang tamang pag-connect sa mga wire.
Wielding, isa sa pinakamahirap na major dahil kapag hindi ka nag-iingat ay puwede ka makuryente o ʼdi kaya ay matusok sa iyo ʼyong bakal na wire. Tuturuan ka nila kung paano ayusin ang nasirang bakal.
Plumbing, ito naman ay may kinalaman sa pag-aayos ng tubo. Lalo na ʼyong sa puso o di kaya ay gripo. Mahirap ito pero nakakatulong ito lalo na sa may mga puso at gripo.
Lastly, furniture and cabinet making. Ito naman ʼyong gagawa ka ng mga cabinet, upuan at kung ano pa na may kinalaman sa furniture. Tuturuan ka rin nila kung paano maayos ang nasirang furniture.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romansa[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...