Chapter 20 shylove

84 6 0
                                    

"You smell good baby".Bulong niya sa akin.Hindi ko naman ito pinansin.

Malapit na kaming makarating sa amin nang bigla itong magtanong?

"Ano pangalan mo?i'm sorry ngayon ko lang natanong.."

     Saglit lang akong lumingon sa kanya, napakalapit kasi nang kanyang mukha sa akin.Naiilang naman akong sumagot sa kanya.

"Shylove po" .pabulong kong sagot.

"Shylove what a beautiful name.."mariin niyang bangit

"Love".....mahina at malambing niyang sambit.Bigla akong nakaramdam nang kung ano sa aking tiyan,waring may mga paro parong naglalaro.

"Love ang itatawag ko sayo.."bulong niya sa akin."do you like that,hmmmmmm Love"...

"Ayos lang naman po ginoo.."mahinang sagot ko parin.

"Call me ryder love..."mahinang sabi niya at sabay hapit pa sa aking baywang.Sobrang lapit na namin sa isa't isa

"G..gino.......

"Ryder ang itawag mo sa akin love"..pangalan ko ay ryder"...putol niya sa sasabihin ko sana.

"R...ry...ryder ..tawag ko sa kanya.

"Mmmmm yes love....malambing niyang sabi sabay yuko sa aking leeg.

Naiilang naman akong tumingin sa kanya sobrang lapit kasi namin sa isa't isa.

"Ayos ka lang love ."tanong niya.

"Shy apo ko ikaw naba yan!" Narinig kong sigaw ni lola.Malayo palang kame s bahay pero alam na ni lola na mapalit na kami.Narinig niya siguro ang mga yapak nang kabayo.Sa sobrang tahimik nang gubat mga huni lang nang ibon ang maririnig at mga iba't ibang uri nang mga hayop.

" Opo Lola"malakas na sigaw ko!

   Nang makarating na kami sa tapat ni lola ay mabilis na bumaba ang aking kasama,at maingat niya akong tinulungan bumaba sa kanyang itim na kabayo.

"Naku shy apo' nag alala ako sayo ang buong akala ko kung napano kana.."alalang alala na banggit ni lola.Yumuko ako sa kanyang harapan at humingi nang tawad.Ayoko sa lahat ang makitang ganito ang hitsura ni lola mababakas sa kanyang kulubot na mukha ang labis na pagaalala sa akin.

"patawad po lola...hindi na po mauulit..."hinging paumanhin ko ulit at sabay tingin sa kanya na may kasamang maliit na ngiti sa aking mga labi.
Mahal na Mahal ko ang aking lola Leticia siya nalang ang natitirang pamilya ko,at natatakot ako na balang araw ay mawala siya piling ko',kaya hanga't maari ayaw ko na nagaalala siya sa akin.

May narinig kaming pagtikhim kaya naman nabalin ang atensyon namin sa lalaking nasa harapan namin.Ang mga matang kasing dilim nang kalangitan ay tutok na tutok sa amin.

"Magandang gabi po lola Leticia..."bati niya kay lola.

Tahimik naman na nakamasid si lola sa kanya nang bigla itong parang nagulat ."ikaw ba ang anak ni Don Felix..?"gulat na tanong parin niya.

"Opo i'm Ryder Léi Viera ."mahina naman nitong sabi.

"Nakita ko po ang inyong apo na naglalakad sa gitna nang kalsada kaya naman nag prisinta na akong ihatid siya,delikado para sa isang katulad niya ang umuwi nang mag isa.mahabang sambit niya.Mangha naman akong nakatitig sa kanya,ngaun ko lamang kase siyang narinig na magsalita nang marami.

"Maraming salamat hijo".pasasalamat ni lola.

"Halika muna sa aming mumunting tirahan at nang ikaw ay makapagpa hinga'..paanyaya pa nito.

"Maraming salamat nalang po,pero may pupuntahan pa po ako.magalang nitong pagtanggi.

"Mauna na po ako".paalam nito kay lola at sabay sulyap sa akin.

"Maraming salamat ulit sayo".pahabol na pasasalamat ni lola.Tumango lang ito at tinungo ang kanyang kabayo na nakatali sa  puno.Nakatingin pang kame ni lola sa kanya hanggang sa nakasakay na ito.

"Halika kana apo'alam kong gutom kana.."





ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon