Chapter 21 shylove

209 12 3
                                    

      Mahigit apat na araw na ang lumipas'pero heto pa rin ako iniisip pa rin ang nangyari noong araw na nakita niya akong naglalakad sa gitna nang kalsada.
Hindi mawala wala sa aking alaala ang nangyari'ang pagdikit nang balat namin sa isa't isa na siyang nagpa tibok nang aking puso.

    Tahimik lang akong nakamasid sa mga pananim ni lola.
Simula nung ginabi ako hindi na muna ako pinalabas ni lola sa kagubatan.
Kaya naman nililibang ko nalang ang aking sarili.

"Shy.."mahinang tawag ni lola.
Nasa tabi ko na pala ito."ano po iyon lola..."nangingiti kong sagot.

"Hindi kaba pupunta sa ilog para maligo..?"tanong niya sa akin.

"Napapansin ko kasi lagi kana lang nasa bahay o di kaya ay nandyan sa aking mga pananim .."sabi niya sa akin.

Nangingiti naman akong lumingon sa kanya.

"Ayos lang po lola nalilibang naman po ako tsaka ayaw ko na po kayong mag-alala sa akin.."nakangiti kong sambit.
Tumawa naman nang mahina si lola.

Tulad nang sabi ni lola pupunta ako sa may ilog para maligo.Tahimik ko lang tinatahak ang daan papunta doon.Wala naman siya siguro duon baka bumalik na iyon sa syudad.Ayun ang naririnig ko sa mga taong nasa pamilihan sa syudad daw nakatira ang ginoo.Malapit na ako sa may ilog nang nakarinig ako nang tunog nang hayop'.
Mukhang nahihirapan ito ayon na din sa kanyang kakaibang iyak.
Dahan dahan kong sinundan ang ingay nang aking naririnig at iyon nga tama ako isa siyang hayop.Isang maliit na baboy na itim.Mukhang naligaw ito sa gubat at naipit sa isang puno nang sanga.
Dahan dahan kong inalis ang pagkakaipit nang kanyang paa.Nuong una nahihirapan ako kasi napaka likot niya mukhang natatakot sa akin.Kaya naman naisipan ko siyang kausapin.
"Wag kang matakot aalisin ko lang ang pagkakaipit nang iyong paa".tinignan ako nito at kalaunan tumigil na sa paglilikot.

Natuwa naman ako sa kanya mukhang naiintindihan ako nito.Naalis ko na ang pagkaka ipit nang paa nito'pero heto at nakatingin pa rin siya sa akin.
"
"Maari ka nang umuwi sa iyong ina,baka hinahanap ka na sa inyo".pagkakausap ko parin sa kanya.
Akmang tatayo na ako sa aking pagkakaluhod nang lumapit ito sa akin at ikiniskis ang kanyang mukha sa aking mga hita.Natuwa ako sa kanya gusto ko na siyang iuwi sa bahay'.Ang problema lang baka hanapin siya nang kanyang pamilya

"Hindi kita maaring isama baka hinahanap kana sa inyo,tiyak malulungkot ang iyong ina at
kapatid".

ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon