Prologue

17 3 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan ngayon sa palengke, pero naging manhid na kami ni mama sa ganitong buhay.

Sa mundo, talo ka kapag mahina ka. Kaya kahit nahihirapan ka, hindi ka pwede sumuko dahil lagot ka sa magulang ko.

"Kaya mo pa? Pahinga muna tayo hahaha!" Saad ni Mama at binaba ang upo na bitbit niya sa kaliwang braso, habang ang kalabasa naman na kasing laki ng ulo ko ay pinatong niya sa bato na may kataasan.

Ganito ang buhay namin sa araw-araw. Sa umaga ay magtitinda kami sa pwestong si papa mismo ang gumawa, habang sa gabi naman ay mamimili kami ng mga gulay na wala na kami.

Oa na kung Oa, pero hindi talaga madali magdala ng gulay tuwing gabi. Akala ko nga nuon easy lang itong pinapasok kong kalokohan, may pa request pa ako na mag gulay ako.

"Susunod naba iyon ma?" Tanong ko kay mama na tumatawa habang pinagmamasdan akong halos tumuwad na sa kakahila sa gulay.

"Oo nga pala, balikan ko nalang tapos duon kalang muna sa tapat ng jalibi mag hintay." Utos ni mama. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti sa naisip kong kalokohan.

Duon kasi sa tinatambayan ko may malapit na nagtitinda ng kwekwek, thirteen isa pero sulit na kasi may kung ano-anong seasoning pa. Wag lang sana balot ang laman sa kwekwek, dahil talagang maisusuka ko.

Hindi ko alam, pero meron sa balot na ayaw ko. Yung fact na may baby sa loob nun tsaka malansa.

The One That Have A WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon