Zed's POV
"WE'RE here," wika ni Shin matapos itigil ang sinasakyan namin sa tapat ng isang napakalaking mansyon.
Hindi ko naman mapigilang humanga. Saang parte ba ng norte kami nakarating?
Walang imik na bumaba ako ng sasakyan. I also removed the hood from my head and stared at the grand mansion. Nakatayo ang mansyon na ito sa gitna ng kagubatan. I was a bit surprise that this exist in the middle of nowhere.
"Sumunod ka sa akin," saad nya muli.
Inayos ko na lang ang suot kong balabal saka idinako sa entrance ng bahay. The mansion has a massive door and there's also guards standing beside it. Nakahilera sila doon na tila sundalo.
Nagsimula nang tahakin ni Shin ang daan papunta sa magarang mansyon. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nagulat din ako nang yumukod sa amin ang mga bantay na naroon.
Naguguluhan pa din ako sa nangyayari. After my talk with my biological father, Shin just appeared and told me he came to pick me up. Hanggang makarating kami dito ay iniisip ko pa din ang ibig nyang sabihin.
Followers? Anong ibig nyang sabihin? And what's more confusing is that he bowed at me! I can't imagine that a guy like him who has a good reputation at our school will do that.
Patuloy pa din ako sa pagmamasid sa paligid hanggang makapasok kami. Hindi pa din ako makampante sa nagaganap. I don't even know why I followed him here! Hindi ba dapat ay maging listo ako sa mga nasa paligid ko?
But maybe it really caught my attention. I want to know what he's saying about my true followers.
Ilang sandali pa ang lumipas at naglalakad pa din kami sa malaking mansyon na ito. Hindi ko na din matandaan ang mga dinaanan namin. Maging ang mga pasilyo ay nakakalito na din.
Nilingon ko ang ilang kababaihang nadadaanan namin. They are wearing same uniforms and they're busy cleaning the place.
"We're here," basag ni Shin sa pagmamasid ko.
I then saw a large door in front of us. Binuksan nya iyon at tumambad sa akin ang isang malawak na silid. Sa gitna noon ay may mahabang lamesa na puno ng pagkain.
Nakita ko din ang ilang tao na naroon. They then stood up and lined up in front of me. Isang may edad na lalaki naman ang lumapit kay Shin saka sumulyap sa akin.
"Sya na ba iyon?" tanong nito kay Shin.
"Yes dad."
Ah. So this old man is Shin's father. I assume that this large mansion is their house. Hindi naman ako naimporma na ganito kayaman ang mga Princeton.
Nakangiting lumapit naman sa akin ang matandang lalaki. Nagulat pa ako nang abutin nya ang isa kong kamay saka iyon hinalikan. Mabilils na hinila ko iyon mula sa kanya.
Ano bang ginagawa nya?!
"Forgive me for startling you my lord..." he said while bowing.
Naiilang na sinulyapan ko naman ang ibang naroroon. Maging sila ay nakayukod. Just what the hell is going on?
"A-anong nangyayari?" tanong ko. "Nasaan ako?"
Ngunit wala sa kanilang sumagot. Nilingon ko naman si Shin na ngayon ay nakasimangot.
"Tss," lumapit sya sa akin saka bumulong. "Hindi sila aalis sa pagkakayukod hanggang hindi mo sinasabi."
Nagtataka na napasulyap ulit ako sa tatay nya na nakayukod pa din sa harapan ko. Naiilang na tumikhim na lang ako habang iniisip ang sasabihin.
"A-at ease..." utos ko.
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasíaSuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022