Prolouge

11 0 0
                                    


Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong malapit sayo?

Di ka nga lang sigurado kung ganun din yung nararamdaman niya sayo..

Ayaw mong umamin , dahil ayaw mong masira ang friendship niyo .

O dahil din sa takot na ma-reject ka?

O dahil rin alam mong may mahal siyang iba. Pero umaasa ka parin sa kanya.

Sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, Ipaglaban mo. Pero paano mo naman maipaglalaban kung hindi naman siya sayo?

Alam mong mahal mo siya . Kahit sobrang sakit na.. kasi mahirap itago. Mahirap pigilan.. Minsan kasi hindi talaga natin mapigilan yung mga nararamdaman natin. Siguro sadyang ganyan talaga..

yung kahit na anong mangyari , mahal mo parin siya, kahit na litong-lito ka na. Kahit na sobrang sakit na.. kasi diba, mahal mo siya?

So gagawin mo lahat para sa kanya. Para lang sumaya siya. Kahit na nagmumukha ka ng tanga.

Yun bang umaasa ka parin ..
kahit na alam mong may mahal siyang iba..

Hanggang Bestfriends nalang ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon