Chapter 1

118 3 1
                                    

Chapter 1

Jean's POV

Ako si Alexi Jean Smith. 19 years old. Jean ang tawag sa'kin ng karamihan. Sabi nila, mas cool raw yung AJ. Pero hindi ako nagpapatawag na AJ dahil para sa'kin, walang ibang pwedeng tumawag sa'kin nun kundi si CJ. Ang kakambal ko. Pilit ko nang kinakalimutan ang pagiging AJ ko. Sa tuwing may tumatawag sa'kin sa ganung pangalan ay naaalala ko si CJ. Ayoko nang maalala pa siya at ang lahat ng pinagsamahan namin.

Nasasaktan ako at nagsisisi. :(

***

Second year MassComm student ako ngayon sa isang kilalang University dito sa Manila. Transferee ako dito kasama ang bestfriend ko, si Gabbi. Katatapos lang ng school year namin this June. Mid July na halos nang lumipad kami dito sa Manila kaya August na kami nakapasok.

Hindi ko naman talaga choice ang school na 'to. Pinili ko lang pumasok dito dahil kay CJ at sa isang tao. Ang taong isa sa mga dahilan kung bakit hindi matahimik ang kalooban ko.

Sabi nga nila, If there's a will, there's a way. At dahil will ko na maipaghiganti si CJ, kaya andito ako ngayon sa Philippines.

*(last month)

"AJ, ay este Jean, sigurado ka na ba sa desisyon mo , anak? di na ba yan magbabago?"  tanong sa'kin ni Nay Carla habang sinisilid ko ang mga gamit ko sa isang maleta. Saglit akong huminto sa pag-eempake at hinarap siya na noon ay nakaupo sa gilid ng aking kama.

"Nay, 'di ba napag-usapan na natin 'to? Desidido na ko. Sa Pilipinas ako magpapatuloy ng pag-aaral. Saka you don't have to worry about me. Kaya ko 'to. Ako pa ba?" marahan kong hinawakan ang kamay niya at nginitian siya

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo anak. Paano kung---"

"Paano kung makita ako ni Daddy?" putol ko sa sasabihin niya

"Yan na naman tayo. No worries 'nay. I'll be careful. Saka di niya naman malalaman kung walang magsasabi, right? And, as if he cares about me para alamin pa kung ano na ba nangyayari sa "anak niya" . Hindi na nga yata niya ko kilala eh."

Noon ay muli kong hinarap ang maleta para itago na rin kay 'nay ang kalungkutan at sama ng loob na bigla ko na naman naramdaman.

"Nag-aalala lang ako na baka pag nakita ka niya dun, kung ano pa ang gawin niya, o baka pabalikin ka niya dito. Wala kang kakampi dun anak."

Mula sa likuran ko ay naramdaman ko ang bahagyang paghaplos ni 'nay dun.

"I'll be fine 'nay. Perhaps, Gabbi is staying with me there too. And besides, di naman nila alam na may bahay tayo sa Manila right? Walang nakakaalam, at wala naman din magsasabi sa kanila. Kaya naman wag ka na mag-alala sa'kin 'nay." tumayo ako para kuhanin ang iba ko pang gamit sa closet

"Talaga ba anak, kasama mo si Gabbi? Aba talaga kayong magbest friend, ayaw maghiwalay ano? Paano mo napapayag ang mommy niya na sumama siya sa'yo? dun na din ba siya mag-aaral?"

Biglang naiba ang mood ni Nay. Para siyang napanatag nang malaman na may makakasama ako sa Manila.

"Hindi ko nga siya pinagpaalam 'nay eh. Nung nalaman ni Tita Andrea na aalis ako, siya na mismo ang nagsabi sa'kin na isama na lang si Gabbi at dun na rin mag-aral. Para daw malayo na si Gab kay Billy at baka sakaling magtino."

"Ganun ba? Baka nga yun ang makatulong diyan kay Gab. Ang batang yan, lulong sa pag-ibig. Wala namang mabuting maidudulot sa kanya si Billy. Kaya ikaw nak, pag umibig ka, wag mo ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo." sagot niya sa'kin

"Oh, bakit nauwi sa'kin 'nay? Wag ka mag-alala mother, wala munang pag-ibig. Alam mo naman ang dahilan kung bakit gusto ko sa Manila mag-aral di ba?" sagot ko habang nakatitig sa picture ni CJ, bago ko ito inilagay sa maleta.

"Itutuloy mo pa rin? Naku kang bata ka. Hayaan mo na yun, nakaraan na at nangyari na ang lahat, di mo na mababago ang kapalaran." napatingin rin siya sa hawak kong picture. Naroon pa rin ang pagtutol ni Nay sa plano ko.

"Hayaan mo na ko 'nay. Ito lang ang magpapatahimik sa kalooban ko. Kailangan ko ng mga kasagutan sa lahat ng nangyari. Pag di ko to nagawa, di ako magiging masaya. Wag ka mag-alala 'Nay, di naman ako papatay ng tao." saglit ko siyang tinitigan pagkasabi nun

"kilabutan ka nga sa sinasabi mo anak." batid kong labis ang pag-aalala ni Nay sa nais kong gawin

"Payagan mo na ko 'nay. Please. Para kay CJ." pakiusap ko sa kanya

"Oh, sige na anak. Alam kong alam mo ang ginagawa mo. Basta wag kang babalik sa'kin at sasabihin mong nagsisisi ka sa naging desisyon mo. Siguraduhin mo anak na tagumpay ka diyan ha?" paalala niya sa'kin

"Yes! Salamat 'Nay! The best ka talaga." pagkasabi nun ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ang Mommy mo, makikipagkita ka ba sa kanya?" tanong niya habang hinahaplos ang likod ko

"Hindi na muna 'Nay. Wala yun sa plano ko. Maybe I'm gonna meet her when I finished my mission."

Saglit kaming natahimik. Nanatili akong nakayakap kay Nay.

"Mamimiss kita anak. Doon mo na rin patirahin si Gabbi sa bahay natin para may kasama ka. Pag may problema kayo ni Gabbi tawagan mo lang ako at susugod ako agad sa 'Pinas." bahagyang natatawa niyang sagot sa akin

Lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya "Mamimiss rin kita 'Nay. Mag-ingat kayo ni Jun dito ha. Tawagan mo ako lagi."

Di na sumagot si 'Nay bagkus isang patak ng luha sa'king braso ang natanggap ko mula sa kanya. Naluluha na rin tuloy ako.

"ayan, nagkadramahan na tayo dito. Tara na nga sa baba 'Nay, kumain muna tayo." Nilisan namin ang kwarto ko at tinungo namin ang kusina para mananghalian.

(to be continued)

GANTITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon