SPG.
"Hindi na ba kita mapipigilan?" Pangalawang tanong niya na sa akin ito ngayong araw. Mahirap man sa akin pero kailangan kong gawin.
"Wala na akong magagawa." sagot ko.
Humalukipkip naman si Ejay. Kahit anong pagkukumbinsi ang gawin niya sa akin ay ito na ang desisyon ko. Pinagtabuyan na nila ako kaya't hindi ko na kailangan ipilit ang sarili ko sa kanila.
"Oh sige. Call me right after na makarating ka doon. Mag-iingat ka Elle! Please, no boys huh! Walang magtatanggol sayo doon!" pagbabanta niya. Tumawa naman ako. Mamimiss ko tong lalaking to.
"Yes, I will." I waved my hand bago ako pumasok ng airport.
This is my new beggining. Walang hadlang, walang kontrabida, walang mananakit, walang manloloko. Mamumuhay ako ng payapa, malayo sa kanila, malayo sa kaniya.
Nagsimula na namang bumalik sa akin ang mga nangyari. Kung paano nila ako inalipusta, tinapakan, pinagtabuyan at niloko. Kahit na ang lalaking minahal ko ng lubos, siya pa itong sisira sa akin.
Namatay si Mommy when I was 10 years old. Nangako si Daddy na hindi niya ako papabayaan at hindi siya kailanman mag-aasawa ng iba. Namuhay kami ng maayos at masaya until he met Tita Angelina. Kung anong ikinaganda ng pangalan, siya namang ikinasama ng ugali.
"Dad, you promised me!" I shouted between my sobs.
"Pero, anak. Limang taon na ang nakakalipas. I need to be happy. Darating ang araw na iiwanan mo ako at magsasarili ka. Mahirap tumanda ng mag-isa. Please, Elle."
"No!"
"You.need.to.accept.Angelina." rinig na rinig ko ang mala-awtoridad niyang boses.
Tinanggap ko si Tita Angelina at ang dalawa pa niyang anak na lalaki at babae mula sa namatay niyang asawa. Magkasing edad kami ni Ryan kaya nagkasundo kami kaagad. Siya ang naging karamay ko sa lahat. Sinasaktan ako ng mama niya kapag wala si Daddy sa bahay. Pilit niya itong pinipigilan kaya lang ay siya naman ang napagbubuntunan ng galit sa tuwing ipagtatanggol niya ako kaya wala rin siyang magawa.
Si Coleen naman, madalas kong kaaway. Gusto niya lahat ng gamit ko ay gamit niya din and I hate that thing. Ang akin, akin lang. Lahat kinuha niya sa akin, kahit lalaking mahal ko pinilit niyang mapasakanya.
Sinubukan kong magsumbong kay Daddy pero hindi niya ako pinaniwalaan. Galit lang daw ako kaya nasasabi ko ang mga ito. Kahit mga katulong ay pinagbabantaan ni Tita Angelina na paaalisin sila sa oras na magsumbong sila.
"Daddy, can I talk to you?" tanong ko.
Ngayon lang ako nakahanap ng tiyempo. Madalas kasi ngayon ay busy siya sa trabaho.
"What is it, Elle?" halatang pagod, sa boses pa lang.
"Dad, hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako, pero sina-"
"Hi Honey!" napatalon ako nang makita ko si tita Angelina. Hinalikan siya ni Daddy sa pisngi. So disgusting! Dumapo ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo.
"Oh, what are you saying again, anak?"
"Kanina po kasi.."
Pinandilatan ako ng mata ni tita Angelina. Alam ko na ang kasunod nito. Hindi na naman ako paniniwalaan ni Daddy at kakampihan na naman niya ang demonyitang ito.
"Sinaktan ako ni tita. Tinulak niya ako kanina.." sabay pakita ng pasa sa gilid ng aking tuhod dahil sa pagkakatulak nito sa akin kanina habang pinaglalampaso niya ako ng sahig.