Zed's POV
NAGMULAT ako ng mata. Ilang beses din akong kumurap-kurap para lang umayos ang paningin ko. Groge pa din ako sa gamot na itinurok nila sa akin.
"Mabuti at gising ka na," ang boses ni Shin ang tuluyang nagpagising sa akin.
"Hindi mo naman sinabi na loyal ka masyado sa akin at talagang hinintay mo ang paggising ko."
"Tss!"
May ibinato naman syang kung ano sa higaan ko. Natatawang dinampot ko na lang iyon.
"Mirror?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"See for yourself..."
Itinaas ko na lang ang salamin para tingnan ang repleksyon ko. Una kong nakita ang buhok ko na bumalik na sa dating kulay. It's now back to black, although there are still strands of silver hair on it.
"The elders were able to remove the curse from your body through sacred ritual and with the help of modern science. May mga bakas nga lang na hindi na tuluyang natanggal, but I can say it was successful."
The curse from my body...
I remembered what Alvert told me. He said that it is not a common case, but they have some old books to get some information on how to remove it. May parte daw ng katawan ko ang konektado pa din sa sinaunang ritwal at sa unang gifted na nagtaglay ng shadow rank.
At alam ko kung sino iyon. Hywell already told me.
The members of Blades of Shadow have this hunch that I am the reincarnation of that person. At dahil sa umpang inilagay sa taong iyon, maging ako ay naapektuhan. Kaya tuwing ginagamit ko ang ability ko ay nagri-react ang katawan ko. Parang side effect ng sumpang iyon.
"Ang mata ko..." halos pabulong ko nang saad habang hinahaplos ang kaliwa kong mata na ngayon ay may nakabalot na benda.
My left eye is gone. They removed it last night.
Sunod na tiningnan ko ay ang balat ko. The black veins are also gone! I'm back to my old self, only that my left eye is no longer here.
"You can fully wield you ability to the fullest," basag ni Shin sa pagiisip ko. "Your body won't undergo the same changes as before."
Walang gana na ibinaba ko na lang ang salamin saka tumingin sa kanya. "Will it affect my capabilities?"
Hindi ko naman inaasahan na tatawa sya ng malakas. Tawa na parang nakakaloko.
"Sinabi ko na di ba? Magagamit mo na ng buo ang abilities mo nang walang anumang side effect. The curse that you were born with is already gone. Ang dapat mong alalahanin ay kung paano mo sasanayin ang sarili mo ngayong iisa na lang ang mata mo."
Tama sya. This will be harder.I may need to adjust my moves since I only have one eye. Fighting will be more difficult.
Bumangon na lang ako saka tinanggal ang swero na nakakabi sa akin. Dinampot ko din ang mga damit ko na nakapatong sa isang upuan.
"Saan ka pupunta?" isang babae ang pumasok sa silid. The only daughter of Ephraim Bobefort.
"Leaving," tipid kong sagot saka nagsimulang magbihis.
"Leaving? Your own home?"
"Home?"
Ah! Oo nga pala.
They told me that as the last gifted with the shadow rank, I now own this large mansion. Nagkibit balikat na lang ako. "May nangangalaga naman dito."
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasiSuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022