Conditions

269 11 5
                                    

Napasabunot ako ng buhok ko ng maalala ko kung ano ang nagyari kagabi. Nagising ako na wala na si Fritzy sa tabi ko. Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon.

Bumangon ako sa kama at nagtungo sa kwarto ni Fritzy para magsorry sa nangyari ngunit wala siya doon. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Naabutan ko siya na abala sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Sorry sa nangyari kagabi." Bulong ko.

"Ah eh, sorry din... Lasing lang tayo kagabi, dala lang yun ng alak." Sabi niya.

"Siguro nga dala lang yun ng alak pero pangako, papanagutan kita Zy."

Tumango  lamang siya bilang sagot at ngumiti.

Bumitaw na rin ako sa pagkakayap sa kanya at umupo sa upuan. Pinanuod ko lamang siya na magluto.

"Boss. Uhmm, pano na si Andrea?.. Anong... Plano mo?"

Tanong niya. Pano na nga ba si Andrea? Pagkatapos ng nagyari kagabi, hindi ko na alam kung sino at ano nag uunahin ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Boss, paano kung gawin mo kaya lahat ng gusto niya? I mean, ibalik noyo yung dati. Baka kasi makatulong yun sa paggaling niya." Sabi niya.

"Kung gagawin ko yun, paano ka?" Sagot ko.

"Ano ka ba boss, wag mo na kong intindihin. Kayang-kaya ko sarili ko no! Sak isa pa wala naman akong sakit tulad niya basta wag mo lang ako tatanggalan ng trabaho ayos na ko. Hehehe"

"No-------"

*ring* *ring*

Tinignan ko yung Caller ID.

"Andrea.. What the fuck do you need Clarence?.. What?!..Shit!.. Okay, okay I'm coming... Bye."

"Boss, sino yun?" Tanong ni Fritzy.

"Si Clarence, yung bestfriend ni Andrea. Nasa ospital daw ngayon si Ands, naabutan daw niya kasing walang malay at nagkalata ang dugo sa sahig ng kwarto niya. Naglalaslas daw. Aalis na ko, mamaya na ko kakain."

Paliwanag ko sa kanya.

---

Dumiretso ako sa hospital kung saan nakaconfine si Andrea. Sinalubong ako ni Clarence at tinuro kung saang room dinala ng doctor si Ands. Luhaang Andrea ang bumungad sakin, totoo nga na naglaslas siya.

Inlove ako kay Sungit (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon