Chapter 3

42 2 0
                                    

Chapter 3

Jean's POV

"Hindi, CJ. Wag mong gagawin yan. Hindiiiii! Waaaaag! CJ?? CJ!!!"

"Jean?"

"Jean?!"

"Jeaaaan!"

Nagising ako sa marahang pagtapik ni Gabbi sa'king pisngi. Panaginip lang pala.

"Grabe Jean. You made me so nervous. I thought you won't be awake. Binangungot ka na naman. Si CJ ba ulit?" nag-aalala niyang sabi sabay abot sa'kin ng isang basong tubig.

"Nakita ko siyang tumalon sa cliff. Pero wala akong nagawa Gabbi. Hindi ko siya napigilan." naluluha kong sagot. Tumabi sa'kin sa kama si Gab at hinaplos ang likod ko

"Sssshhh... It's okay Bestie. Wala kang kasalanan. Its just a dream. Wag mo na masyadong isipin yun." tumayo siya at inalis ang towel na nakabalot sa ulo niya. Noon ko lang napansin na bagong ligo pala siya.

"Ang mabuti pa, bumangon ka na diyan at maligo na rin. It's our first day of school, remember?" dagdag pa niya na noon ay nagsusuklay na ng kanyang buhok.

"Shocks! Oo nga pala. Anong oras na ba? Bakit di mo ko ginising agad? Samantalang ikaw nakaligo na."  taranta kong sagot sa kanya na kala mo ba'y late na kami. Daglian akong bumangon

"Panic? Its only 6:30. So early for our 9am class. Maaga lang ako nagising so I decided to take a bath na. Kaya ikaw, better go to your bathroom now, bilisan mo maligo so that we could have our breakfast. Nakaluto na si Manang Lilia." sagot niya sabay hagis sa'kin ng towel ko.

Si manang Lilia ang care taker ng bahay namin na 'to at siyang nag-alaga sa'kin sa America nung bata pa ako.

Tumayo na ko para maligo at pansamantalang iwinaksi sa isip ko ang tungkol sa napanaginipan ko.

This is it Jean. The day you've been waiting for. Malapit mo na matagpuan ang mga kasagutan.

*****

Gabbi's POV

Ako si Gabrielle Alejandro, 19 years old. MassComm student din, pareho kami ni Jean.

Sabi niya, hindi lang daw niya ko basta best friend. Para na raw niya kong ate. Mas mature daw kasi ako sa kanya and caring. Weak nga lang ako pagdating sa pag-ibig. Todo kung ma-inlove. Sobra akong na-hook sa ex-boyfriend kong si Billy na niloloko lang naman ako.

Magaling din ako magtagalog dahil tulad ni Jean at ni tita Carla, ang parents ko ay both Filipino. Nag migrate lang kami sa California at dun nanirahan. Madalas rin naman kaming umuwi sa 'Pinas kaya sanay na sanay pa rin kami sa Filipino language.

"Why don't you give up on Billy? Do you really love him that much?" minsang tanong ni Jean sa'kin bago kami lumipad dito sa Pilipinas

"Do you really have to ask me that? Of course I do and you know that." seryoso kong sagot

"Yeah I know. But You and I also know that he's  just fooling you around." inemphasize pa niya yung salitang fool

"Wag mo na idiin yung part na yun bestie." nakapout kong sabi

"See? Wake up bestie. Give up on him. Hayaan mo na siya sa iba niyang 'girl friends' . Hanap na lang tayo sa 'Pinas ng ipapalit diyan sa Billy mo." pangungumbinsi niya.

"Bestie, actually I broke up with him last night. I just realized na tama kayo. I don't deserve him." nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Really? Buti naman natauhan ka na. Anong nakain mo?" natatawa niyang tanong sa akin

"Wala akong nakain bestie. I just like the idea na 'hahanap na lang tayo sa Pinas' ng bago." pilya kong sagot

"Ahh. . . I see. Kaya naman pala. Ikaw talaga, so flirt. Wait, you mean, payag ka na to stay with me sa Philippines at dun na rin mag-aral?" excited niyang tanong.

Oo, pumayag na ko sa kagustuhan ni Mommy na sumama ako kay Jean sa Pinas at dun na mag-aral. Bukod kasi sa ayaw kong mahiwalay sa best friend ko, gusto ko na rin muna lumayo, kalimutan si Billy at ayusin ang buhay ko, ang sarili ko. Naging bad influence kasi sa'kin si Billy. Natututo akong uminom, manigarilyo at gumimik dahil sa kanya. Bagay na madalas namin pag-awayan ni Daddy.

"Oo Jean. Para di tayo magkalayo, para magkasundo na kami ni Daddy at para makapag-bagong buhay na rin ako... Tapos ikaw, hahanapin mo ang sagot sa mga tanong mo sa buhay.. ako naman, hahanap ng bagong love of my life."  natatawa ko sa huli kong sinabi

"Oo, hahanapin ko talaga siya. At, tutulungan mo ko." sagot niya sabay kindat sa'kin

Hindi ko alam kung hanggang saan kami dadalhin ng paghahanap ni Jean sa taong yun. Pero anuman ang mangyari, hindi kami titigil hangga't di dumarating ang araw na makikita rin namin sya.

(to be continued...)

GANTITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon