Chapter 19

67 5 0
                                    

Salamat ng marami kay @DarkLover sa enthusiastic comments and sa pagvo-vote. :D

 -PreppySuperA.

——————————


Masayang pumasok si Carly sa bahay namin.

          "Good morning po, tito Arthur at tita Janna."

          Masaya namang tumango ang mga parents ko. "Goodmorning din, iha."

          Tumingin siya sa'kin.. "Goodmorning, Mia." May inilapag siya sa kama ko sa kwarto. "Dala ko na ang make-up natin ha?"

          Bigla akong na-konsensiya. Naalala kong um-oo nga pala ako kay Josh when he asked me to be his date for tonight.

          She saw the expression drawn all over my face. "O, ano'ng mukha 'yan?"

          "Hindi ka galit?"

          Inilabas na niya ang make-up kit. "Galit? Bakit naman ako magagalit?" tanong niya na tila walang kaide-idea.

          "Haven't you heard?" pagtataka kong tanong.

          "Alin?" May bigla siyang naalala. "Ah. 'Yung tungkol kay Josh na he asked you to be his date for the ball?"

          "Uh-huh."

          Unti-unti siyang lumapit sa'kin.

          "Kayo na ba?" tanong niya.

          "Siyempre, hindi." Defensive kong sagot.

          "Crush mo ba?" dagdag pa niya.

          "Carly, may Lance na kaya ako."

          "Eh, 'di wala akong dapat ikagalit." She shrugged. "One night lang naman 'yun, eh. At tsaka, una ka naman niyang na-close bago ako kaya.......... okay lang."

          Phew! Nabunutan ako ng tinik 'dun ah. Akala ko galit 'tong bestfriend ko sa'kin.

          She grabbed my hand. "O, halika na. Tulungan na kitang maglinis ng bahay nang maaga tayong matapos at makapaghanda na tayo for tonight."

          Napangiti lang ako sa tinuran niya.


          May humarurot na car sa labas. "Anak! Nandyan na ata ang sundo ninyo!" tawag ni mama.

          "Ok po! Papasukin niyo nalang muna." Sagot ko naman.  

          At bumaba na kami ni Carly. Halatang napanganga silang tatlo while we were on our way down sa stairs.

          "Anak, ang ganda-ganda n'yo naman." Dagdag pa ni mama.

          Tumawa lang ako.

          Napasalita na rin si Josh. "Wow! You girls look fantastic."

          Tiningnan ko si Carly sabay ngiti. Siniko niya naman ako.

          Bumeso na ako kina mama at papa. "Mauna na po kami."

          "Mag-iingat kayo, anak. At 'wag masyadong magpapagabi ha?" paalala ni papa.

          "'Wag po kayong mag-alala, tito. Maaga po kaming uuwi ni Mia." Sagot naman ni Carly.

          Nauna na si Josh sa labas.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon