Chapter 21

89 5 0
                                    

Lance must have noticed na hindi ako kumikibo.

          "You okay, Mia?"

          "Yup. Pagod lang siguro ako." I forced a smile into my face.

          "Sure ka na okay ka lang ha? Baka mamaya n'yan, nagtatampo ka parin sa'kin." Sabi niya.

          I looked at him. "Siyempre wala na, no?"

          He smiled. "Well, that's good to know."

          "By the way, sa'n ka nga pala mag co-college?"

          "Sa Ateneo. Di'ba scholar ka rin du'n?"

          I nodded.

          "Then, magkakasama pa rin tayo?"

          "Malamang sa hindi." Sagot ko habang nakangiti.


———————

          I waved my hand bidding goodbye kay Lance habang paalis na ang sasakyan niya.

          "Anak?"

          Tiningnan ko si tatay.

          "Si Lance ba 'yun?"

          "Opo."

          "Eh, nasa'n na si Joshua?"

          "Naiwan po sa event. Kasama po silang uuwi ni Carly." Sagot ko naman.

          Napansin siguro ni tatay na medyo matamlay ako. "Ayos ka lang ba., anak?"

          I used the same excuse kanina. "Opo. Pagod lang siguro."

          Itinulak ko ang wheelchair ni tatay papasok ng bahay. Nakita kong nanunuod lang ng TV si nanay.

          "O, nay? Pati rin po kayo gising pa?"

          Tumango siya. May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay niya ito sa'kin. Nakita kong ilang thousand pesos pala ito.

          "Nakakahiya namang hindi pa tayo nakaka-receive ng letter mula sa school regarding sa tuition mong hindi pa fully paid anak. Bayaran mo na bukas." Nakangiting sabi ni nanay.

          Isasauli ko na sana ito sa kanya ngunit alam kong sasama ang loob niya 'pag sasabihin ko kung paano ko nakuha ang pambayad sa tuition ko a month ago.

          Mas bumigat ang pakiramdam ko. Nagalit ako kay Lance kasi binalak niyang magsinungaling sa parents niya. Eh ano ba ang tawag sa ginagawa ko ngayon? Mas malala pa nga ang panlolokong 'to kaysa sa ginawa ni Lance.

          Pinilit ko nalang ngumiti. "Salamat po. Pahinga na po kayo."

            Magkasabay na tinungo nila mama ang kwarto. "Sige anak. Magpahinga ka na rin ha?"

            Marahan lang akong tumango.


            Paghiga ko sa bed, naalala ko si Josh. I decided to text him.


Mia: Nakauwi ka na?


            Nag-vibrate agad ang phone ko. Tumatawag pala siya. Sinagot ko ito agad.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon