Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 33: "Revelation"
———
Cyrus' POV
Sobrang bilis ng pangyayari. Dumating si Bea at kasama niya ang taong hindi namin aasahang makita.
"Pakawalan mo kami." Sigaw ko. Nakatali ang aming mga paa at kamay. Si Aira naman ay nakahandusay pa rin... duguan!
Hindi dapat mangyari ito. Kaarawan ni Aira na dapat nagsasaya kami.
"Mark! Anong ibig sabihin nito? Magkakilala kayo?" Gulantang na sabi ni Cris.
"Oo. Dahil siya ang ama ng pinagbubuntis ko." Sagot ni Bea na nagpawindang sa lahat.
"Totoo?" Tumingin ako kay Mark pagkatapos ay ngumiti siyang parang demonyo.
"Mahabang kwento pero importante pa ba yon? Ang mas importante ngayon ay ang mapatay kayong lahat!" Sigaw ni Mark.
"Mga hayop kayo!" Sigaw ko.
"Pakawalan mo na kami. Bea, maawa ka!" Pagmamakaawa ni Cris.
"Ayoko sanang humantong sa ganito ang lahat. Kung nagpakasal ka lang sana eh di iba ang magiging katapusan nito." Pinandilatan niya ng mata si Cris.
Napansin kong tahimik lang si Renz. Nararamdaman kong may binabalak siya. Sana magtagumpay siya!
Mahigpit ang kanilang pagkakatali, wala kaming laban. Pareho silang may baril.
"Cyrus. Ngayon sabihin mo sa kanila ang dahilan kung bakit mo pinatay ang mga magulang ko, na kumupkop sayo at nag-alaga. Magsalita ka!" Galit na galit na sigaw ni Mark sa akin.
Tumingin sa akin si Cris. Yumuko ako, hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin!
Narinig kong tumawa ng malakas si Mark.
"Kung ayaw mong magsalita, ako nalang ang magsasabi sa kanila." Nandilat ang mga mata ko.
Alam niya ang tungkol sa bagay na yon? Hindi, imposible!
"Oo Cyrus. Matagal ko nang alam! Nagkagusto sayo ang butihin kong Ama at Ina! Iba ka rin talaga. Pinatulan mo pa sila. Nakakadiri ka!" Pagbubunyag ni Mark.
Tama siya, nagkagusto si Mama at Papa sa akin. Hindi ko yon inakala pero may mali sa ikinukwento ni Mark.
Napatulala ang lahat sa narinig.
"Tumahimik ka. Hindi mo alam ang lahat!" Sagot ko.
"Sabihin mo. Ano nga bang totoo Cyrus?" Narinig kong nagsalita si Cris.
"Binaboy nila ako. Gabi-gabi nila akong pinapasok sa kwarto ko. Wala akong magawa. Kaya pala nila nagagawa sakin yon dahil hindi nila ako tunay na anak! Sinira nila ang pagkalalaki ko, sinira nila ang buhay ko! Nandidiri ako sa sarili ko!" Pagkatapos nilang marinig yon ay parang awa ang nakikita ko sa kanila.
Pero hindi ko yon kailangan. Kinalimutan ko na sila. Inilibing ko na ang mga alaala kasama sila.
"Tama na ang drama. Umpisahan na natin to." Itinutok ni Bea ang kanyang hawak na baril sa amin.
"Sino ang gustong mauna? Si Bestfriend ba, si boyfriend o ikaw Cris?" Itinutok niya ang baril kay Cris.
"Bea, itigil mo na 'to." Sigaw ni Renz. Napatingin ako sa kanya, si Cris naman ay nanginginig sa takot.
BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Teen FictionAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...