Chapter 5

55 2 0
                                    

Chapter 5

Enzo's POV

Hindi ko alam kung paano nga ba ako muling magsisimula. Nang lumabas ako sa kwarto ko kahapon, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko na lahat ng gusto ko, lahat ng ninanais ng puso ko. Hindi na ko magpapadikta sa kung anumang kagustuhan ng ibang tao para sa akin. Minsan na kong nagkamali, ayoko nang maulit pa yun. Sobra na kong nagsisisi sa pagiging sunud-sunuran ko. Ayoko na maging mahina.

Nang pumasok ako sa gate ng school kanina ay tila nanumbalik sa gunita ko ang lahat ng alaala na mayroon ako sa school na 'to. Hinarang ako ng gwardiya pero ng makilala niya ako, walang pagtutol ay pinapasok niya ako agad.

Dumeretso ako sa parking area ko. Pero teka, bakit may nakapark na light blue car doon? Sinong naglakas ng loob na magpark dun?

Sa inis ay pinaharuruot ko ang kotse ko at tinabihan ang asul na kotseng yun.

"Uy! muntik na." nagulat rin ako ng biglang bumukas ang pinto ng kotse na yun, mabuti na lang at sumara rin bigla.

Maya-maya pa ay may isang magandang babae ang lumabas mula dun. Matangkad siya, mahaba at wavy ang buhok, maganda at mukhang mestisa.

Lumapit siya sa kotse ko at kinatok ang bintana sa driver's side. Ibinaba ko ang salamin at hinarap siya.

"Hoy hambog! Problema mo ba? Balak mo bang pumatay ng tao?" mataray niyang bungad sa'kin.

"Problema ko? Ikaw. Hindi mo ba alam na parking area ko 'to? Walang ibang pwedeng magpark dito kundi ako lang."  akmang itataas ko na muli yung bintana ng kotse pero pinigilan niya ko.

"Sandali, hindi pa tayo tapos mag-usap." muli niyang singhal sa akin.

Hinubad ko ang suot kong shades at nagsalita, "Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Ang kailangan mong gawin ay intindihin yun at umalis diyan sa pwesto ng kotse ko."

"Paano naman naging sa'yo ang parking area na to? Nabili mo? Marami pa naman dun sa kabila ah. Sino ka ba, ha?" iniinis ako ng babaeng to ah. Hindi niya ko kilala. Baguhan yata ang mga 'to.

"Ang dami mong satsat. Kung ayaw mong masaktan, ilipat nyo na yung kotse nyo." nauubos lang ang oras ko dito. Bakit ba di niya maintindihan yung gusto kong mangyari?

"Aba loko to ah ---" sasagot pa sana si Ms. Sungit pero biglang nagsalita yung kasama niya.

"Bestie, tara na. Lumipat na tayo nang matapos na. Male-late na tayo eh. Wag mo na intindihin ang hambog na yan!" hinila na niya si Ms. Sungit pabalik sa kotse nila.

"Buti pa yang kaibigan mo madaling kausap. See you around Ms. Sungit." sigaw ko nang umandar ang kotse nila papunta sa kabilang side ng parking lot.

Sino kaya ang dalwang yun? Pasensiya na lang sila, akin lang ang parking area na 'to.

Hindi naman sa pinagdadamot ko ang parking lot. Marami lang masasayang alaala na dumaan dito . At isa pa, regalo sakin ni Jane ang area na 'to kaya walang sinuman ang pinahintulutan kong magpark dito. Dati may harang 'to at may nakalagay na For Prince E.R. only. Gets na yun ng lahat ng studyante sa campus. Pero wala na ngayon ang harang at ang signage. Tinanggal na siguro nila sa pag-aakalang tuluyan nang nilisan ng kanilang Prinsipe ang kaharian.

June 17, last year. First anniversary namin noon ni Jane. Pagdating ko sa parking lot, akala ko may rally. Maraming estudyante. May dalang mga banner. Magulo. Nagsisigawan.

Itinigil ko ang kotse at bumaba para alamin ang nangyayari. Bilang Chairman ng Student Council, wala akong natatandaan na may magaganap na rally ngayon.

GANTITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon