Chapter 6

89 2 0
                                    

Chapter 6

Jean's POV

Ilang minuto pa ay natapos rin ang klase namin. Palabas na sana kami ng room ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Jean, sandali." boses ng isang babae.

Huminto kami ni Gabbi at sabay na napalingon sa tumawag sa'kin. Siya yung babae sa harap ko kanina, yung nakasalamin na tingin ng tingin sa'kin.

"Hello, ako si Bettina Roman." pakilala niya sa'min. Mukha naman siyang mabait.

"Pwede ba kong sumabay sa inyo?" muli niyang sabi. Noon ay nasa hallway na kami at naglalakad pababa ng building.

"Sure. No problem." nakangiting sagot ni Gabbi.

Pagbaba namin ay may nadaanan kaming isang bench. Umupo muna kami dun, bilang 1 and a half hour naman ang break namin.

"So, since bago kami dito, kwentuhan mo naman kami, Bettina." panimulang sabi ko sa kanya nang makaupo na kami.

"Ahm.. ano ba gusto nyo malaman?" malumanay niyang sagot habang nakangiti. Ang hinhin niya at mukha siyang di makabasag pinggan.

"Sino yung mayabang na lalaki kanina?" tanong ko.

"Si Prince? Ahh... dating SC-Chairman namin yun." panimula niya. "Alam nyo, hindi siya mayabang. Napakabait nga niya eh. Sobrang approachable siya, masayahin at laging positive ang views in life..." saglit siyang huminto sa pagsasalita na tila ba may inaalala.

"Talaga? Hindi halata ah! Di ganun ang pinakita niya sa'ming ugali kanina eh. Naku! Ang gaspang beh. #SandPaper ang peg." dugtong ni Gabbi.

Muling nagsalita si Bettina, "Nagulat nga rin ako kanina. Parang nag-iba yung aura niya. Parang ang daming nagbago sa kanya simula nawala siya." mababanaad mo ang kalungkutan sa mata niya.

"What do you mean nawala?" usisa ko.

"Siguro naman napansin nyo na halos lahat ay nagulat kanina nung dumating siya di ba?" tanong niya.

"Oo nga. Bakit nga ba ganun na lang ang reaksyon nila nang makita siya?" para kaming imbestigador ni Gabbi kung makapagtanong.

"Halos anim na buwan din kasi siyang di nagpakita. Siguro, nadepressed. Nawala kasi sa kanya ang taong pinakamamahal niya. Maging kami ay nagulat din sa bilis ng mga pangyayari. Masayahing tao yung gf niya. Pareho sila. They were loved by the whole University. Lovely couple kasi talaga sila. Kahit maraming nagkakagusto diyan kay Prince, tanggap naman nila yung gf niya kasi mabait, matalino at friendly. Kaya nagulat kami nang pumutok ang balita na break na sila. At ang mas nakakagulat, after a month, nabalitang patay na daw yung gf niya. Walang nakakaalam ng totoong dahilan, pero sinisisi ni Prince ang sarili niya dahil dun." mahaba niyang kwento sa'min.

"Ganun ba? Ang lungkot naman pala ng story niya. Siguro naging miserable siya dahil dun, kaya galit sa mundo." sagot ni Gabbi.

"At ang malas natin dahil tayo ang nabiktima niya." dugtong ko.

"Bakit, ano ba ginawa niya sa inyo?" nagtatakang tanong ni Bettina.

"Nakaaway kasi namin siya sa parking lot kanina, kaya nga kami na-late eh. Pilit niyang pinapaalis yung kotse namin dun sa pinaradahan namin dahil kanya daw 'yun. Lakas niya makainis dun ah!" napansin kong nabigla si Bettina sa kwento ko.

"Don't tell me, dun kayo nagpark sa may dulo? sa puno sa gilid ng main building?" nagtaka ako sa sinagot ni Bettina. Bakit niya alam kung san kami nagpark?

"Oo. Bakit alam mo? Manghuhula ka ba?" takang tanong ni Gabbi.

"Hindi. Haayy... Madami pa nga kayong dapat malaman. Sige, ioorient ko kayo. Haha." nakatawa niyang sagot sa'min.

Nilabas niya ang isang chichirya sa bag niya dahil mukhang mahaba-haba daw ang pag-uusapan namin. Tahimik lang kaming nakinig sa kanya.

"Ganito kasi 'yan. Siya si Lorenzo Rodriguez. 19 yrs. old. Enzo ang tawag ng close friends niya sa kanya pero kalaunan, Prince na ang naging tawag sa kanya sa buong campus. Itinuturing kasi siyang prince ng mga studyante. And another thing, siya rin kasi ang bunsong anak ng may-ari nitong University. Third year na dapat siya ngayon sa PolSci. Ewan ko lang kung bakit naging MassComm siya ngayon. Yung tungkol naman dun sa parking, wala kasi talagang ibang nagpapark dun kundi si Prince. Niregalo kasi sa kanya ng gf niya yun nung first anniversary nila. Tapos, it was declared then, na si Prince lang ang pwedeng magpark dun. May harang yun dati para wala nang ibang magpark, pero tinanggal na siguro dahil ang tagal nga niyang nawala. Nung nawala siya nung February, nung namatay gf niya, para siyang naging prinsipe na nawalan ng korona. Napabayaan niya ang lahat dahil nga hindi na siya nagpakita. Yung position as SC-Chairman, yung pagiging team captain sa basketball, at syempre yung pagiging prinsipe sa lahat ng studyante, lahat yan nawala sa kanya sa isang iglap lang. Buong school nagluksa nun sa pagkamatay ng gf niya. Akala nga namin hindi na siya babalik. Kaya nagulat ang lahat kanina. Hindi kami na-inform. Naiba nga yung itsura niya ngayon eh. Mukha siyang haggard, pumayat, at ang haba pa ng buhok." napanganga na lang kami sa mahabang kwento niya. Ganun pala ang istorya ng hambog na yun. Nakakaawa naman pala siya.

"Grabe pala pinagdaanan niya." napabuntong-hiningang sagot ni Gabbi

"Pero hindi dapat siya magalit sa mundo dahil wala naman tayong kasalanan sa pinagdaanan niya eh." pagsalungat ko kay Gabbi. Kahit bahagya naman akong naawa sa kanya nang malaman ko ang pinagdaanan niya, naiinis pa rin ako sa encounter namin kanina. Para sa'kin, mali na ibuhos niya sa ibang tao ang galit niya sa mundo.

"Siguro kailangan niya pa rin ng time para mag-heal yung puso niya. I'm sure, he's still healing his broken heart kaya para siyang bitter sa mundo. Pero I think, kailangan niya ng tulong para magawa yun. I mean, new friends and environment. Tama ka, hindi siya dapat magalit sa mundo. Pero naiintindihan ko rin siya. Mahirap mag-move on dito sa University, dahil halos every part nito, may memories sila ng gf niya,  tulad dun sa parking lot. Pagpasensyahan nyo na lang yung nangyari kanina ha. Intindihin na lang natin siya ngayon." hinawakan niya ang kamay ko ng sabihin niya yan.

"Teka, bakit ikaw ang humihingi ng pasensya? Saka wait lang, bakit pala ang dami mong alam tungkol sa kanya? Ano ka ba niya? Spokesperson? Haha." pabiro kong tanong sa kanya

"Pinsan ko si Kuya Enzo." makahulugang sagot niya na sadyang ikinagulat namin.

(to be continued...)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GANTITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon