Nasa byahe kami pauwi sa bahay. Maagang nagpauwi ang mga teachers dahil may biglaang meeting sila kaya ito pauwi na kami ngayon. Si Ate nakatingin lang sa bintana ako naman nagbabasa ng pocket book."Manong pahinto po!" Sabi ni Ate Akira. Nagulat pa ako dahil sumigaw si Ate. Tinabi naman ni manong yung sasakyan sa gilid ng lumang gasulinahan.
Biglang bumaba si Ate Akira kaya bumaba din kami ni manong.
"Bakit nandito ka?" Tanong ni Ate sa batang lalaki. Sya yung palaging nakikita namin ni Ate tuwing dumadaan kami dito. Minsan syang kumatok sa sasakyan namin noong traffic para mamalimos.
Batang pulubi siya madumi at gulo gulo ang buhok. Maitim ang balat at wala siyang tsinelas na suot. Marumi ang damit at payat.
"Dito po ako nakatira." Sabi ng batang lalaki. Tinignan ni Ate Akira yung paligid. Siya lang mag isa at madumi katabi pa ng kalsada.
"Saan ka natutulog dito?" Tanong ni Ate sa bata. Tinuro nya yung karton na nakalatag sa lapag sa tabi ng puno.
"Bakit mag isa ka lang dito?" Tanong ni Ate sa bata. Bakas sa mukha ni Ate ang pag aalala.
"Opo. Nasa ampunan po ako dati pero tumakas po ako." Sabi nung bata. Kawawa naman sya.
"Bakit umalis ka don? Delikado dito baka magkasakit ka?" Sabi ni Ate. Tinignan nya yung katawan nung bata ang payat kasi. Nung tinitigan ko yung batang lalaki sa mata may naalala ako sakanya. Hindi ko lang mapangalanan kung sino. May kahawig yung bata o tingin ko lang na meron?
"Ayoko na po sa ampunan nananakit po sila don." Malungkot na sabi nung bata.
"Ganon ba? Anong nga palang pangalan mo?" Tanong ni Ate Akira.
"Jerome po."
"Ilang taon ka na?" Tanong ko sakanya. Bumilang siya sa kamay nya bago sumagot.
"5 po." Tumango ako at nginitian sya.
"Gusto mo sumama ka saamin?" Tanong ni Ate sa bata.
Nagulat ako sa tanong ni Ate. Hindi naman sa ayaw ko. Nagulat ako dahil ganun din yung iniisip ko na iuwi sya sa bahay namin.
"San po tayo pupunta?" Tanong ni Jerome.
"Sa bahay namin." Sabi bamin ni Ate. Napatingin saakin si Ate at ngumiti.
"Ayoko po dito nalang po ako." Sabi nung bata.
"Sige na sama ka na samin." Sabi ko. Sumingit na ako sa usapan nila. Naawa kasi ako sa bata siya lang mag isa dito tapos wala pa siyang kasama delikado para sakanya na nandito siya tabi ng daan ang bata niya pa.
"Lika na sumama ka na samin. Nag aalala kami ng Ate ko para sayo." Sabi ko kay Jerome at gusto ko rin syang sumama saamin dahil magaan ang loob sakanya kahit ngayon ko lang sya nakausap ng personal pero matagal ko na syang nakikita. Kawawa naman sya.
"Pwede mo kaming maging pamilya sa bahay namin. Mabait yung magulang namin." Sabi ni Ate kay Jerome.
"Sama ka na please." Sabi namin ni Ate. Hinawakan namin yung kamay niya.
"Sige po wag niyo akong sasaktan ah?" Sabi nung bata. Tumango kami ni Ate. Tumayo na kami at naglakad papunta sa sasakyan namin.
Sana pumayag si Mama na ampunin si Jerome! Excited na akong umuwi!
"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ni Mama kay Jerome.
"Jerome po." Nahihiyang sabi ni Jerome. Nagtatago sya sa likod namin ni Ate Akira.
"Ilang taon ka na?" Tanong naman ni Papa sakanya.
"5 po." Sabi ni Jerome. Tumango tango naman sila Papa. Nagtinginan sila Mama kinakabahan ako baka hindi sila pumayag. Nakakaawa pa naman si Jerome mag isa lang siya dun wala siyang kasama delikado pa naman.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Fiksi UmumHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...