XVII.

2.6K 119 43
                                    

XVII.

 

 

 -Xyla-

 

 

 "Good morning, Xyla!"Masayang bati nina Sabrina pagkababa ko. Tumango lang ako saka dire-diretsong binuksan ang pintuan nila.


 

 "Woah! Sa'n ka pupunta?" Takang tanong ni V. Okay Xyla. Inhale, exhale. Nasa harap mo ang crush mo kaya umayos ka!


 

 "Ah, uuwi na ako." Sagot ko saka ngumiti.


 

 "Haha. Uuwi ka nang ganyan?" Natatawang tanong ni Suga. Nagsitawanan rin sila at pati na rin si V. Eh? Anong masama kung naka-uniform pa ako? 'Di naman masyadong gusot eh.



Tumingin ako sa malaking salamin sa living room nila saka napamura nang sagad. Paksheyt lang! Mukha akong pinasabugan ng dinamita. Ang gulo ng buhok ko. Pero atleast maganda pa rin ako.



Waaah! Kaya pala nakatitig si Jungkook kanina sa buhok ko! Akala ko naman kasi nagagandahan sya! Tsk. Ke aga-aga nag-a-assume ako -.-.


 

 "Halika sa kwarto ko. Papahiramin kita ng damit." Nakangiting aya ni Beth saka ako iginiya sa kwarto nya.



Pagpasok ko, napanganga na lang ako. Punong-puno ang walls nya ng pictures ng buong BDT. Pati na rin 'yong picture na kasali ako nung nagpunta kami sa isang dine-in restaurant. Ang saya-saya nilang tingnan.


 

 "Ayos ba?" Bigla nyang tanong habang nakatingin sa mga pictures.


 

 "Oo. Matatag pala talaga ang grupo nyo." Sagot ko saka napangiti.


 

 "Natin. Kasali ka sa 'min kaya grupo natin." Sabi nya pero nagkibit-balikat lang ako. Ngumiti naman sya saka inilahad ang damit na kinuha nya mula sa kabilang kwarto. Tinanggap ko naman 'yon.


 

 "Andun 'yong CR. Sige baba muna ako." Sabi nya saka umalis. Agad naman akong naghilamos atsaka nagbihis. Pagtingin ko sa salamin....




O_O!!!



Omo! Ang ganda ko! Haha. Walang aangal kundi kakalbuhin ko! Ang cool kasi ng damit. Parang panlalaki pero pwede rin naman syang pambabae.



Pagkatapos nun ay bumaba na ako. Nadatnan ko naman sila na nagbabangayan pero napatigil sila nang makita ako. Sheyt. Awkward! -_-

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon