Saya (Part 1)

6 0 0
                                    

"Saya"


Sino nga ba ang nagmahal na hindi naging masaya ?


"Malamang edi yung mga nagsasabing hindi naman sila mahal ng mahal nila" . Marami ang nagsasabi nakakapagod magmahal ng taong di ka naman mahal, may mga ganung pagkakataon pero hindi naman lahat.


Pagnagmahal ka kasi nagmamahal ka talaga Hindi mo maiisipang manawa o kaya mapagod, kasi masaya ka sa ginagawa mo .


Masarap ang magmahal lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo. Masaya din naman ang mga taong nagamamahal sa taong di sila mahal e, yung iba nga lang talaga ay hindi marunong makunteto .


Sa magkarelasyon na parehas mahal ang isa't isa ay hindi maitatangging hindi sila masaya o naging masaya . Sa simula kasi ng isang relasyon, dun mo mararamdaman yung saya , Masaya kasi parehas pa kayo nakakapagbigay ng oras sa isa't isa, at masaya kasi... bago pa lang kayo.


Ang mga kabataan ngayon ay masyadong mapupusok. Madaling mafall, madaling magmahal . Kaya sa mga kabataan ngayon na may mga karelasyon madalas , mabilis lang ang mga panahong nagkakasama sila ng karelasyon nila.

Sa una masaya, anjan pa yung 'kilig' anjan pa yung excitement makita ang isa't isa ,at anjan pa yung mas nakakapaglaan kayo ng oras sa isa't isa .


San pag ibig kasi hindi palagi masaya nalang kayo, dadating at dadating talaga yung mga oras na magkakaproblema kayo , magkakaaway at kadalasan nito nauuwi agad sa paghihiwalay.


Karaniwan naman sa mga dahilan ng pag-aaway ng magkasintahan ay hindi pagkakaunawaan, kawalan ng oras sa isa't isa, at pagseselos.

Ang mga dahilan na yan ay normal lang na nangyayari sa magkasintahan.

kung ang nirereklamo mo sa BF/GF mo ay kawalan ng oras sayo , ang unang gawin mo ay intindihin siya, huwag mag-isip ng kung anu-ano. Pero mas mabuting tanungin din natin sila kung ano ba ang dahilan, maari kasi niyan na busy sa pag-aaral, busy sa pag-aalaga ng kapatid, busy sa mga gawaing bahay etc. Mas mabuti parin talagang pag-usapan niyo muna ito upang magkaunawaan kayo, minsan kasi dito na pumapasok sa isipan natin yung tinatawag na 'SELOS'. akala natin ay nanlalamig sila . yung iba naman huwag kayong magagalit o maiinis kung nagseselos man ang kasintahan niyo , normal lang yun kaya ang dapat niyong gawin ay patunayan niyo na wala dapat siyang ikaselos at huwag kayong gumawa ng dahilan upang manhinala ang karelasyon niyo.


kung ano man ang maaring dahilan ng pagsira niyong dalawa , mas mabuting pag-usapan niyo na sa simula pa lamang ng inyong relasyon, kung kelan masaya pa kayo . Magandang simula yon atleast, kung dumating man yung panahon yun ay alam niyo na ang gagawin .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon