"Uy Angelica! kaklase natin si RJ oh!"
napalingon ako sa direksyong tinitignan ni Dianne, best friend ko. Tama nga siya, classmate ka namin. Ang saya ko kasi naging kaklase kita ulit. Nung first year kasi magkaklase tayo pero hindi mo ko kilala. Di mo ko napapansin.. Tahimik kasi akong tao noon.
Nakatayo lang ako sa isang gilid at tahimik kang pinagmamasdan mula sa malayo. Maya maya'y napansin kong papalapit ka sa direksyon ko. Hindi ko alam pero bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. Natulala ako sa muka mong gwapo. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Ung tipong parang hinahabol ng kabayo. Habang papalapit ka, nagii-slow motion ang mundo ko. Nawawala rin ang tao sa paligid at Ikaw lang ang nakikita ko. Kumbaga sa teleserye, ito yung part kung saan magkikita ang dalawang bida at maiinlove sila sa isa't isa. Tapos happily ever after na.
Pero nakalimutan ko, totoong buhay pala to. Nilampasan mo ko at pumunta sa barkada mo. Parang invisible ako sa paningin mo. Pero kahit ganon, okay lang. Kasi nung dumaan ka, ang lapit natin sa isa't isa. So Close kumbaga.
Sa pagsisimula ng klase, lagi kang malayo sakin. Kaya tinitignan nalang kita mula sa malayo. Eh ano pa bang magagawa ko hanggang dito lang ako. Hindi naman kasi tayo close. At hindi mo parin ako kilala at napapansin. Ang layo mo parin. So Far, ika nga.
.
.
.
.
.
Lumipas ang ilang araw, nakihalubilo ka na sa iba. Ang bilis mong maka-close ang iba. Naging close din kayo ni Dianne, pero lagi kayong nagaaway kasi lagi mo siyang inaasar. Alam kong mali pero.. nagseselos ako. Dapat kasi close din tayo para kahit minsan, maging dahilan naman ako ng pagngiti o pagtawa mo.
.
.
.
.
.
.
"hala Baks! magbabago daw ng seat plan! huhu.. mamimiss kita!" Sambit ni Dianne
"parang ewan to."
nagkaroon nga ng pagbabago sa seat plan..
at nakatabi kita.
Bigla akong nakaramdam ng kilig at kaba. Kilig kasi sa wakas, makakatabi na kita. Kaba din kasi baka ma-bore kang katabi ako. kasi sinisigurado ko ngayon pa lang, hindi ako makakapagsalita ng matino dahil malapit ka. hindi ko maintindihan, pero dumadagundong ang loob ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko..
Naririnig mo ba?
haaay. So Close na naman tayo sa isa't isa. Pero parang ang layo mo parin.
.
.
.
.
.
Ilang araw tayong tahimik. Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Feeling ko tuloy, nabobore ka nang katabi ako. Sa tuwing titignan kita, ang seryoso ng muka mo. Minsan kung hindi nakatingin sa kawalan, nag susulat ka. Ano ba yung sinusulat mo?
Isang araw, nagpapasa ng notebook yung teacher natin sa E.P. wala ka non kasi lumabas ka. Ipapasa na yung notebook pero wala ka parin. kaya ako nalang ang nagpasa. Pero bago ko pa man din yun mapasa, nakita ko yung mga sulat sa likod ng notebook mo. Puro doodle.
Puro doodle ng pangalan ni Jhonna.
Hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko nung mabasa ko yun. Siya parin pala hanggang ngayon. Pinilit kong kalimutan ang nabasa ko at magpanggap nalang na walang nakita. Baka kasi masaktan pa ko.